Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dibdib ng Pinay dinakma ng Chinese nat’l kulong

HINULI ang 26-anyos turistang Chinese national nang maaktohang naka­dakma sa malusog na dibdib ng isang babaeng nakasabay niya sa eleva­tor pababa sa isang hotel sa Pasay City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Xin Yinbo, pansa­mantalang nanunuluyan sa Room 204 ng isang hotel na matatagpuan sa Roxas Boulevard ng naturang lungsod.

Sa reklamo ng biktima na itinago sa alyas Ste­pha­nie,  naganap ang insidente dakong 8:00 pm sa loob ng elevator ng hotel.

Kuwento ng biktima, lasing umano ang suspek na dayuhan na nakasabay niya pababa mula sa ika­lawang palapag ng hotel.

Gayon na lamang ang pagkabigla ng biktima nang walang kaabog-abog na dinakma ng suspek ang kanyang dibdib.

Tiyempong bumukas ang pinto ng elevator at dito humingi ng tulong sa security guard ang babae labans a suspek na naak­tohang nakadakma pa sa dibdib ng biktima.

Agad dinala sa him­pilan ng pulisya ang suspek at sinampahan ng reklamo.

Ayon sa suspek, ga­ling umano siya sa isang bar at umuwi sa hotel, muli siyang bumaba dahil may nakalimutan siyang bilhin at nakasabay niya ang babaeng biktima sa elevator.

Nahaharap sa kasong act of lasciviousness ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa himpilan ng pulisya.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …