Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangulo ‘hindi tameme — Panelo

NAUNA rito, ipinag­tanggol ni Presidential Spokesperson, Secretary Salvador Panelo na hindi tameme si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu nang paglubog ng fishing vessel na na-hit-and-run ng Chinese fishing boat.

Ani Panelo, hinihintay ni Pangulong Duterte ang mga detalye hinggil sa insidente bago maglabas ng opisyal na pahayag ang Punong Ehekutibo.

“He’s (Duterte) not silent. He’s waiting for the facts to set in before he makes any declaration,” ani Panelo sa press briefing sa Malacañang kahapon.

Kaugnay sa posibleng paghingi ng ayuda sa Amerika alinsunod sa Mutual Defense Treaty (MDT), tiniyak ni Panelo na susundin ng Filipinas ang mga nakasaad sa kasunduan.

“E kung ano ang dapat/nararapat doon sa agreement na iyon, we will do that,” aniya.

Inihayag noong Biyer­nes ni US Ambassador to the Philippines  Sung Kim na ang pag-atake sa South China Sea  ng dayuhang armadong sibilyan na pinayagan ng kanilang gobyerno ay puwedeng maging dahi­lan upang umayuda ang Amerika sa Filipinas alinsunod sa MDT.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …