Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
OFW kuwait

Pinay tinulungan muna saka kinidnap at hinalay ng Kuwaiti police officer

DINUKOT at sinasabing hinalay ang isang Filipina household service worker (HSW) ng isang Kuwaiti police officer na tumulong sa kanya sa loob ng airport sa Kuwait nitong 4 Hunyo 2019.

Puspusan ang pakiki­pag-ugnayan ng Depart­ment of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwaiti authorities para sa mabilisang pag-aresto sa suspek na hu­ma­­lay sa Pinay na hindi pinangalanan.

Ayon sa ulat sa DFA ni Embassy Chargé d’Affaires Mohd Noordin Lomondot, nag-isyu na ng warrant of arrest ang Kuwaiti authorities laban sa suspek na si  Fayed Naser Hamad Alajmy, 22, isang Kuwaiti Police Officer.

Sinabi ni Lomondot, ang suspek na si Alajmy ang umalalay sa overseas Filipino worker (OFW) para sa finger scanning registration sa airport nang dumating sa Kuwait, nitong 4 Hunyo.

Pagkatapos ng finger scanning registration, dinukot umano ng natu­rang Kuwaiti police officer ang Pinay at hinalay.

Ayon kay Chargé d’Affaires Lomondot, nakikipagtulungan sa Embahada ng Pilipinas at mga awtoridad ang employer ng nasabing Pinay.

Siniguro ng DFA, gagawin ng gobyerno ng Filipinas ang lahat ng hakbang upang makamit ng biktima ang hustisya.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …