Monday , May 5 2025
SINALUBONG nina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at ng kanyang partner na si Honeylet si US President Donald Trump bago magsimula ang Gala dinner na punong abala ang Filipinas para sa mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) member states at dialogue partners sa SMX Convention Center, Pasay City nitong 12 Nobyembre 2017. (ACE MORANDANTE/PRESIDENIAL PHOTO)

Alyansa kay Trump ibinabalik ni Duterte

IKOKONSIDERA muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng mga armas sa Amerika dahil gusto niya si US President Donald Trump.

“In the purchase of arms, we have a bad experience but they have a new policy now. We are going to reconsider,” aniya sa panayam sa Sonshine Media. Net­work kamakalawa.

“We’ll buy if we think we need that kind of particular [item],” dagdag ng Pangulo.

Anang Pangulo, pa­tu­loy na kikilanin ng kanyang administrasyon ang tradisyonal na alyan­sa ng Filipinas sa US sa ilalim ng gobyernong Trump.

“I like Trump and I would like to assure America that we will not do anything to hinder, hamper or whatever,” dagdag ng Pangulo.

Nakahanda aniyang makipagtulungan ang Pangulo pero tiniyak niyang hindi mkiki­pagdigmaan kaninoman.

“We are ready to cooperate, but this I have to say: I will not go to war with anybody,” sabi ng Pangulo. Binigyan-diin ng Pangulo na hindi didis­tansiya ang Filipinas sa China at Russia kahit nakikipaggirian sila sa Amerika.

“We will go along with our alliances but to me, China and Russia are not enemies because ‘yung hindi nai-deliver ng mga Americano that was the time I went to Russia, only to ask President Xi Jinping to give me a credit line ke wala akong pera,” aniya.

Matatandaan noong 2016, pinigil ng US State Department ang planong pagbebenta ng Amerika ng 26,000 assault rifles sa Philippine National Police dahil sa isyu ng human rights violations.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

Chavit Singson e-jeep

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang …

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …

Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *