Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Payo kay ex-SAP Bong Go: Politika, karahasan iwasan — Duterte

HUWAG magpadala sa politika at iwasan ang paggamit ng karahasan.

Ito ang payo ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte kay incoming senator Christopher “Bong” Go sa ginananp na thanksgiving party para sa kanyang longtime aide kama­kalawa sa Davao City.

Anang Pangulo, maa­aring tumagal nang hang­gang 12 taon sa Senado si Go kapag ginampanan nang mabuti ang tung­kulin at bigyan pra­yori­dad ang mga mama­ma­yan.

“Six years ka. You just do your duty, perform another six years. That’s 12 years. Wala kang problema magtrabaho. So alagaan mo at saka ‘yung tao. Unahin mo…ikaw alam mo,” anang Pangu­lo.

Ang pasya aniya ni Go na pamunuan ang Health Committee sa Senado ay mabuti upang mas matulungan niya ang mahihirap.

“Alam mo, sa kara­mihan diyan… patay na ‘yan pagdating ng ospital. Public or private hospital, ibigay sa iyo,” dagdag niya.

Maaari aniyang ma­ga­mit ni Go ang implu­wensiya upang maka­pangalap ng mga ayuda para sa mga maralita.

“I’m just telling you how to do it properly. Panahon na. Next pre­sident, nandiyan ka pa man. Huwag kang puma­yag na magpatayan. Sabi­han mo ‘yang presi­dente, umalis ka na lang. Hayaan mo na sila mag-usap,” sabi ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …