Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte Youth iniwan… Cardema inaaral kung may pananagutang legal

INAALAM ng Palasyo ang posibilidad na may pananagutang legal si dating National Youth Commission chairperson Ronald Cardema nang iwanan ang kanyang posi­syon sa ahensiya na hindi nagpaalam kay Pangu­long Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, lumalabas na dumiskarte si Cardema na mag-substitute sa kanyang asawa bilang first nominee sa Duterte Youth party-list.

Inamin ni Panelo, sa diyaryo lamang nila nalaman ang naturang hakbang ni Cardema.

Sa mga ulat ay bina­tikos ni Kabataan Party­list Rep. Sara Elago ang paggamit ni Cardema sa kanyang posisyon para ikampanya ang Duterte Youth.

“This is all the more reason we should go out and protest! He spoke and campaigned for Duterte Youth in his capacity as NYC Chair, used its public platform and resources, then made a last-minute sub­stitu­tion. Such a flagrant trapo move!” ani Elago hinggil kay Cardema.

Kamakalawa ay inutusan ng Palasyo si Cardema na isumite ang lahat ng mga hawak na dokumento matapos abandonahin ang kan­yang posisyon sa ahen­siya nang magsumite ng petisyon para sa pag­takbo.

Nabatid na matapos maghain ng substitution application sa Comelec noong 12 Mayo ay nagre-report pa rin si Cardema sa kanyang tanggapan sa NYC at hindi ipinaalam sa Office of the President ang kanyang hakbang sa poll body.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …