Monday , December 23 2024
OFW kuwait

PH-Kuwait MOU rerepasohin ng DOLE — Bello

SUPORTADO ng Pala­syo ang pagrepaso ng Department of Labor sa Philippine-Kuwait Memo­randum of Under­standing (MOU) na nala­bag sa pagkamatay ng isang Filipina overseas worker dahil sa umano’y pambubugbog ng amo.

“I think we should, because according to Secretary Bello there has been a breach in the agreement signed by the two countries,” tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa hakbang ni Labor Secre­tary Silvestre Bello sa kaso nang pagkamatay ni Constancia Dayag sa Kuwait noong nakalipas na linggo.

Ayon kay Panelo, hihintayin ng Palasyo ang report mula kay Bello kaugnay sa kaso ni Dayag.

Nanawagan ang Catho­lic Bishops Con­ference of the Philippines (CBCP), Migrante-Philip­pines, at Blas Ople Policy Center sa Malacañang na panagutin ang Kuwaiti government sa karumal-dumal na pagkamatay ni Dayag.

“It was a failure on their part and a clear violation of the signed agreement. The Kuwait government is account­able for the gruesome death of our OFW. Constance Dayag has not been protected,” ani CBCP-ECMI chairman Balanga Bishop Ruperto Santos sa  Church-run Radio Veritas.

Matatandaan, nilag­da­an ang Philippine-Kuwait MOU noong 2018 bilang isa sa mga kondi­syon para tanggalin ng Filipinas ang deployment ban sa Kuwait.

Ipinatupad ang deploy­ment ban matapos matagpuan ang bangkay ni Joana Demafelis sa freezer sa bahay ng kan­yang employer sa Kuwait na ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *