Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

DOH official natagpuang patay sa CR ng NAIA

ISANG opisyal ng Department of Health (DOH) sa Catanduanes ang natagpuang patay sa comfort room ng Ninoy Aquino International Airport Authroity (NAIA) Terminal 3  sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Richard Alexander de Leon Parenas, 58, medi­cal doctor, may-asawa at pasahero ng Cebu Pacific 5J-875 patu­ngong Davao.

Si Parenas ay kinila­lang Medical Officer III sa Viga District Hospital, San Vicente, Viga, Catan­duanes.

Sa inisyal na ulat, unang natagpuang walang malay at naka­han­dusay ang biktima sa loob ng cubicle ng male restroom ng Domestic Pre-Departure Area malapit sa FSSCP Do­mes­­tic Exit sa NAIA T3 sa Pasay City, dakong 8:00 am.

Nadiskubre ni John Paul Mortal, building attendant, ang nakahan­dusay na lalaki kaya agad ipinaalam sa mga guwar­diyang sina Adriano at Amarillo na tumawag ng atensiyon ng medical team ng Terminal 3 sa pangunguna ni Dr. Quintana.

Ayon kay Mortal, huli niyang nakitang buhay ang pasahero na puma­sok sa palikuran dakong 6:15 am at makaraan ang ilang oras ay hindi na lumabas sa cubicle.

Dahil dito, kinutuban si Mortel na mayroong masamang nangyari sa pasahero kaya sinilip niya sa cubicle at nakita niyang nakahandusay kaya’t ipinagbigay alam agad niya sa Airport police na siyang nagbukas sa pinto ng CR.

Agad nagsagawa ng inisyal na assessment ang medical team ni Quintana at dito nalamang wala na umanong hininga nang abutan ng medical team ang biktima kaya’t idine­klarang dead on the scene ng pulisya.

Inaalam ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District kung ano ang dahilan  ng pagka­matay ni Parenas.

nina GMG/JAJA GRACIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …