NAGLALABAS ng buti ang kabayong si Batang Arrastre kapag naisasali siya sa gabi o malamig na panahon kung kaya’t nakitaan siya ng buong husay sa pagtakbo sa panalo nina ni Onald Baldonido sa pambungad na takbuhan nitong nagdaang Biyernes sa pista ng Santa Ana Park, na hindi katulad nung naunang takbo niya nung Mayo 11 na natapat sa kainitan pang oras na alas tres pasado. Kaya importante na malaman din natin ang mga ganyang ugali o hilig ng isang kabayo sa ating paglilibang. Pumangalawa ang dala ni Noel Lunar na si Dauntless at pumangatlo ang dehadong si Alahero ni Marlon Laloma. Ang paborito sa lahat na si Smart Tony ay pampito lamang na dumating matapos na makipagsabayan sa ayre sa unahan kina Batang Arrastre at Pilya. Ang isa pa nilang kalaban na si Abakada ay nagawa na ang lahat ni Rainiel Simplicio, subalit may katagalan lang talaga siyang nag-init sa takbuhan. Subukan na lamang natin siyang muli sa susunod na pagsali sa kanyang mababaan na grupo.
Matulis na rumemate naman sa labas ang sakay ni apprentice rider Mark Lanot na si Tap Gunner matapos na napagod at naglakad ang bumanderang si Black Magic Woman mga ilang metro ang nalalabi papalapit sa meta. Ang dalawang naging top choices na sina Dimakya Island at My Loving Wife ay tila hirap sa distansiyang 1,200 meters dahil tila ayaw nila ng minamadali o inaapura sa kanilang pananakbo, na hindi gaya sa 1,400 meters ay off-pacing muna na nilalaro sabay bibo kapag kumagat at nagpahiwatig na “come on, let’s go” hanggang kumamot nang husto bilang diremateng mananakbo. Paki markahan ulit ang dalawang kabayong iyan na parehong pang-abang sa distansiyang 1,400 meters.
Nakapagtala muli ng isang panalo sa kamay ni Mark Alvarez ang kabayong si Manila Bay na hindi gaanong nabulabog nina Pabulong at Love Affair sa unang dalawang kuwartos kung kaya’t may nailabas pang lakas pagsungaw sa huling diretsahan. Ang paborito sa lahat na si Pious Ashley ay hindi naging maganda ang salida, pero ang tingin o basa ng mga beterano nating klasmeyts sa karera ay mukhang hindi pinaayre at kung nais talagang humabol ay huli na nagalawan ng madidiin na ayuda. Ikanga ay sila naging kumbinsido sa pagdadalang nagawa ni Jeff Zarate sa kabayo.
Nakabawi naman si Jeff sa kasunod na takbuhan matapos na maipanalo ng prente ang dala niyang outstanding favorite na si Money In My Pocket sa mga nakalaban na sina Sultry Giulia at Victory Choice. Alanganin din ang naging basa ng karamihan sa nagawang pananakay ni Jerico Serrano sa pumang-apat na si Storm Chaser, na animo’y nasa isang barrier trial race lamang nakasali.
Sa ikli ng distansiya ay nakasungit na ng panalo ang kalahok na si OK Mister Bond sa kamay ni Claro Pare Jr. kontra sa nakalaban na si Believable ni Dennis Camañero na isang diremate na medyo huli na nakaremate kung kayat nakabuo na ng ayre sina Claro. Maraming karerista na ang nakakapuna na tila may dalang suwerte kay OK Mister Bond kapag nabubunot sa kanya puwesto sa aparato ang numero uno (#1) o baka naman natatapat lang? Base naman sa rekord mula buwan ng ay Marso 2 out of 4 at nitong nakaraang buwan ng Abril ay 2 out of 3, hindi kaya mas mainam o may buti rin si kabayo kapag naipupuwesto malapit sa tabing balya? Buweno, abangan at alamin na lamang natin iyan sa mga susunod niyang pagsali kung gaano kabuwenas ang post posisyon #1 sa kanya.
Ibang klaseng pagremate ang nagawa ng kabayong si Fort Mckinley na nirendahan ni Jerico Serrano mula sa ikaapat na puwesto ay napakatulis nilang dinaanan ang mga bumandera at ang papameta na lamang na si Joem’s Gal ni Yeson Bautista, isang mainam na tiyempo rin ang kanyang tinapos na 1:13.2 (25′-22′-25′) para sa 1,200 meters sa takbuhan. Sa huling karera ay nakapagtala rin ng dehado ang apprentice rider na si R.M. Adona sa kabayong si Tricky Charlize na nakuha niya sa tiyaga na maayudahan ng husto hanggang sa makarating sa linya na ga-ilong na lamang ang pagitan sa rumemateng sakay ng kapwa niya apprentice na si John Siego sa ibabaw ng kabayong si Hello Gorgeous. Malapit din na tumersero si Gensan Special ni Oneal Cortez at kuwarto naman si Rocking Star ni Marlon Laloma.
REKTA
ni Fred Magno