Tuesday , May 6 2025

Pagdakip kay Okada tuloy na tuloy — korte

WALANG makapipigil sa pagdakip kay Japanese gaming tycoon na si Kazuo Okada at kanyang associate na si Takahiro Usui matapos pagtibayin ng Parañaque trial court ang warrant of arrest laban sa dalawa.

Sa order na may pet­sang 6 May0, ibinasura ni Judge Rolando G. How ng Parañaque Regional Trial Court (RTC) Branch 257 ang motion to quash na isinumite nina Okada at Usui upang makaligtas sa pag-aresto kaugnay sa kasong paglustay ng 3.1 milyong dolyares ng pondo ng Okada Manila Resort Hotel.

Sa paniwalang salat sa merito ang naturang petisyon, sinabi ng korte na hind sila kombinsido na “there is clear absence of probable cause for the issuance of warrant of arrest. With the denial, the arrest warrant against the two remains valid and in effect.”

Disyembre nang nakalipas na taon nang kasuhan ng prosecutor ng Department of Justice (DOJ)  sina  Okada at Usui  ng three counts of estafa dahil sa reklamo na isinampa ng Tiger Resort Leisure and Entertain­ment, Inc. (TRLEI), ang owner ng Okada Manila, ang pinakamagarang casino-hotel sa Filipinas.

Inireklamo ng ‘misap­propriation of funds’ ang dalawa noong chairman and chief executive officer (CEO) pa ng TRLEI si Okada habang si Usui naman ang chief operating officer (COO) ng nasabing casino hotel.

Sina Okada at Usui ay kapwa sinibak sa  TRLEI noong Hunyo 2017.

Sa nasabing indict­ment, nadiskubre ng DOJ na nakipagsabwatan si pachinko king Okada kay Usui upang magkamal ng $3,158,835 sa pama­magitan ng salaries and consultancy fees kahit walang approval mula sa TRLEI Board.

Tumanggi ang mga akusado na ibalik sa TRLEI ang naturang halaga.

Sa pagsampa ng kaso noong Enero, nakitaan ng korte ng probable cause ang kaso at inisyuhan ng warrant of arrest ang dalawang dating opisyal ng TRLEI.

Gayonman, kinuwes­tiyon nito ang order of arrest at iginiit na walang basehan ang pagpapa­labas ng warrant.

Sa pagbasura ng mosyon, sinabi ng korte, “There was no Board Resolution which autho­rized Usui to determine the salary of Okada. There was also no Board Reso­lution which authorized Usui to pay Okada a consultancy fee. Those powers to deter­mine the salary of Okada and to pay Okada a consultancy fee are not implied in his functions as COO.”

“…Being just a mere subordinate, Usui had no power to arrogate to himself the power to fix and determine the salary and consultancy fee of his boss. The power to decide on the renumeration of Okada who held the highest position as CEO of TRLEI rests in the hand of the Board of Directors,” dagdag ng korte.

Kasalukuyang pinag­hahanap sina Okada at Usui at pinaniniwalaang nasa labas sila ng Filipi­nas.

Sa parehong desisyon, isinantabi ng korte ang resolusyon ng mosyon ng prosecution para sa hold departure order (HDO) hangga’t hindi napapatu­nayan na nasa Filipinas ang dalawa.

Ang desisyon ng Pa­ra­ñaque court ang pina­kahuling kamalasan na sinapit ng gaming mogul sa kabila ng kanyang hangad na mabawi ang pamamahala ng Okada Manila.

Noong Nobyembre 2018, ibinasura rin ng isa pang Parañaque court ang intra-corporate case na isinampa ni Okada upang makaupo siya muli sa TRLEI board.

Inilabas naman ng Tokyo District Court noong 25 Enero ang desisyon na nagbigay katapusan sa plano na muling makuha ang pamamahala ng Okada Holdings Limited (OHL) na nagmamay-ari ng 67.9 porsiyento ng Universal Entertainment Corpora­tion (UEC).

Ang UEC ay isang Japanese publicly-listed company at parent com­pany ng TRLEI.

At nitong nakaraang buwan lamang ay ibina­sura naman ng Las Piñas Prosecutor’s Office ang perjury case na isinampa ng personal na kompanya ni Okada na Aruze Manu­facturing Philippines laban sa TRLEI officer  na si Dindo Espeleta kaug­nay ng isa pang kaso na isinampa ng TRLEI laban kay Okada at Aruze.

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *