Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pekeng OEC babantayan ng BI

MARIING ipinag-utos ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa lupon ng Immigration Officers sa lahat ng paliparan ang ibayong babala tungkol sa pakikipagsabwatan sa ilang sindikato na gumagawa ng pekeng Overseas Employment Contracts (OEC) at iba pang dokumento sa pagpapaalis ng overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ay matapos makatanggap ng report ang pinuno ng ahensiya na isa na namang babaeng OFW ang pinigilang umalis ng bansa matapos magpakita ng pekeng OEC ganoon din ang clearance galing sa Philippine Overseas Employment Authority (POEA).

Ang nasabing Pinay ay nakatakdang umalis patungong Dammam, Saudi Arabia sakay ng Philippine Airlines. Agad hinarang ang naturang pasahero ng mga miyembro ng BI-Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa NAIA Terminal 1.

Ayon kay Morente, mahirap nang makalusot ngayon ang ganitong klaseng modus dahil sa database ng ahensiya ay puwede nang ma-verify ang authenticity ng dokumento dahil naka-link na mismo sa opisina ng POEA.

Iniulat na noon lang nakaraang Semana Santa, 14 ang napigilang umalis sa airport matapos madiskubre na puro peke ang dala-dalang OEC at POEA clearances ng ilang OFWs.

Sinabi ng Commissioner na hindi basta titigil ang mga sindikato na pagsamantalahan ang kahinaan ng mga kababayan nating Filipino. Magpapatuloy ang ganitong modus hangga’t may nalilinlang sila.

“Walang manloloko kung walang magpa­paloko!” dagdag pa ni Commissioner Morente.

 

COMM. MORENTE
MATIBAY PA RIN
SA KANYANG PUWESTO

NAKALIPAS ang masalimuot na issues na nagbigay sakit ng ulo sa mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI), heto at nananatili pa rin sa kanyang puwesto si Commissioner Jaime Morente.

Dito napatunayan kung gaano kalaki ang tiwala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi gaya ng iba na naligwak agad sa puwesto, si Morente ay tila batong buhay na kahit tamaan man ng sari-saring unos ay hindi pa rin natitinag.

That’s how respectable he is. Alam ni PRRD ang totoong karakas at kapasidad ng kanyang opisyal.

Maging ang mga kawani ng BI ay ganoon kalaki ang tiwala at pananalig sa kanilang bossing.

Kahit pa sabihin ng kanyang detractors na siya ay sangkot sa ilang issues tungkol sa kati­walian, ang lahat naman ay walang sapat na ebidensiya o basehan!

Ganoon naman talaga kahit saang sangay ng gobyerno. Sinasabi na sa lahat ng issues ay kabilang ang kanilang pinuno.

But not in the case of Morente.

Kami mismo ay napatunayan kung gaano siya kasimple at may kababaang-loob kaya naman magdadalawang-isip ka na siya ay pag-isipang gumagawa nang masama.

Kung mayroon man mga nasa paligid ni Commissioner na gumagawa nang hindi mabu­ti, alam natin na ito ay kanyang hindi ko­kon­sintihin!

Malas lang din talaga dahil kung susumahin ang bilang ng lahat ng empleyado sa BI, halos 40 porsiyento ang may raket sa kani-kanilang opisina?

Since, tatlong taon na lang naman bago matapos ang kasalukuyang administrasyon, mas mabuti na nga na si Commissioner Morente na lang ang maging timon sa ahensiya kaysa naman sa nagpapakilalang tuwid na daan pero baliko naman!

Tama na ang isang ‘pabebe boy miswa’ na tila Tazmanian devil na minsan nang dumaan sa BI!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *