Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teri, tiwala sa galing ni Anton Diva

SI Teri Onor ang producer ng upcoming concert ni Anton Diva, ang Anton Diva Shine XXII AD na gaganapin sa Cuneta Astrodome sa June 15. Special guests niya sina Vice Ganda, Michael Pangilinan, Raging Divas, Miss Q and A 2019 Mitch Montecarlo, at Regine Velasquez.

Sa presscon ng concert, ikinuwento ni Teri kung paanong nabuo ang Anton Diva Shine XXII AD.

Sabi niya, “Last year pa inamin ito pinag-uusapan, na in-offer ko kay Anton na ipo-produce ko siya ng concert. June of last year ‘yun, eh, kasi birthday niya June 14. After few days ng birthday niya last year, nag-meeting kami. Sabi ko ipo-produce kita (ng concert). Naghanap kami ng date at venue. Wala kaming makuha pa. Until October last year, nag-announce si meme Vice at saka si ate Regine, na magkakaroon sila ng Valentine concert, February 13 hanggang February 16.

Patuloy niya, “Sabi ko, ‘Teka lang, huwag natin silang sabayan.’”

Ano ang mai-expect ng audience sa concert ni Anton?

Marami!” sagot ni Teri. “Aside sa mga Regine song, kumuha kami ng mga repertoire na Anton Diva. You will see the different side of Anton.”

Personal choice niya ba sina Vice at Regine para mag-guest sa concert ni Anton o si Anton ang namili?

“Pa­reho kami na choice, sila.

Noong binuo namin ‘yung concert, silang dalawa talaga ang nasa utak namin. Mabuti naman at pumayag sila. Isinama namin si Michael para may pam­pakilig sa mga kaba­baihan.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …