Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

50% ng VRVMs sa Iloilo depeketibo rin — Comelec

HINDI bababa sa kala­hati ng 2,572 Voter Regis­tration Verification Machines (VRVMs) sa lalawigan ng Iloilo ang nagkaroon ng mga aberya sa halalan kahapon Lunes, 13 Mayo.

Sinabi ni Atty. Roberto Salazar, Iloilo election supervisor, napil­tian ang Board of Election Inspectors (BEIs) na mag-manual verification ng voter registration bilang pagsunod sa protocol sa paggamit ng VRVM.

Layunin ng VRVM na mapabilis ang beripi­kasyon ng voter regis­tration sa pamamagitan ng fingerprint scan at hindi na kailanganin mag-manual search dahil agad malalaman ang kanyang pagkakakilanlan, ngunit hindi maka-log in ang mga BEI sa VRVM nang magbukas ang botohan bandang 6:00 am.

Ayon kay Lucy Grace Bepinoso, Department of Education (DepEd) Supervisor Official, lahat ng tatlong VRVM na nasa Jibao-an Elementary School sa bayan ng Pavia ay hindi gumagana.

Naantala rin ang pagsisimula ng halalan sa ilang bahagi ng lungsod ng Iloilo dahil sa mga depektibong VRMV sa gitna ng mataas na bilang ng mga botante.

Kabilang ang lala­wigan at lungsod ng Iloilo sa 14 lugar na nag-pilot test ang Comelec sa paggamit ng VRVM.

Ayon Salazar, 333 balota nag misdelivered, kabilang ang 220 balota na dapat ay para sa ba­yan ng San Enrique sa lalawigan ng Negros Occidental na napasama sa mga balotang ipina­dala sa bayan ng Anilao sa lalawigan ng Iloilo.

Samantala, naipadala sa bayan ng Badiangan ang 113 balotang dapat ay ipadadala sa bayan ng Miag-ao, parehong sa lalawigan ng Iloilo.

Gayanpaman, naipa­dala umano sa tamang destinasyon ang mga balotang ‘misdelivered.’

Sa kabila ng mara­ming ulat tungkol sa vote-buying, sinabi ni Salazar, isang sumbong lang ang kanilang natanggap hanggang Lunes nang hapon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …