Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

5 Chinese national arestado sa KFR

HINULI ang limang Chinese national na sinabing miyem­bro ng kidnap for ransom group sa Las Piñas City, kahapon nang madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Shen Li Wei, 29, Ruan Hu Bin, 29, Chen Sing, 29, Weng Peng Chao, 29, at Li Hui Sie.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Zhou Yang, Sengxiao Ling, at Ou Shen.

Sa ulat ni Las Piñas chief of police Col. Simnar Gran, nagsagawa ng entrapment operation ang kanyang mga tauhan na ikinaaresto ng mga suspek sa Circuit Plaza, Ayala, Makati City, dakong 1:30 am.

Sa pahayag ni Zhen,  naglalakad siya kasama sina Yang at Ling sa Verdant Avenue, Bgy. Pamplona 3 sa lungsod ng Las Piñas dakong 11:45 pm nitong 10 Mayo, nang dumating at hintuan sila ng isang Toyota van, may plakang AIA 2234, sakay ang 10 suspek na biglang kumu­yog sa kanila bago sapilitang isinakay sa sasakyan.

Nakatakas si Shen at iniulat ang insidente sa kanyang boss na hindi binanggit ang pangalan na dali-daling nagtungo sa pulisya kaya agad nagkasa ng entrapment operation.

Napag-alaman na gumingi umano ang mga suspek ng P.2 milyon ngunit nakapaglabas sila ng P150,000 bilang ransom money at nagkasundo sa transaksiyon sa Circuit Plaza sa Ayala, Makati City kahapon nang madaling araw.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang ransom money sa tabi ng naturang van agad hinuli ang limang suspek na nauwi sa komo­syon hanggang mailigtas ang dalawang Chinese national na sina Yang at Ling.

Natukoy ang limang suspek na nanunuluyan sa Rivergreen Center, Pedro Gil St., Sta. Ana, Maynila kaya nahuli si Lao Xie na pinaniniwalaang nag-alerto sa iba pang suspek habang dinampot ang driver ng van na sina Marvin Villas, 38, at Lolito Angeles, 40, kapwa Pinoy upang alamin ang kanilang partisipasyon sa insidente.  (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …