Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Ilalampaso ni Grace si Cynthia

MOMENT OF TRUTH ngayong araw ng elek­siyon at dito na makikita kung sino ba ang maka­pa­pasok sa Magic 12.

Ngayon din ang pagtutuos kung sino ba sa mata ng taongbayan ang dapat na manguna sa listahan ng 12 senador na ihahahalal.

Nakikita natin na ang reelectionist pa rin na si Senador Grace Poe ang mangunguna sa karera. Dito lalabas ang hindi pa rin nagmamaliw na suporta ng taongbayan sa nag-iisa at walang katulad na hari ng pelikulang Filipino na si Fernando Poe, Jr.

Ang lakas pa rin ng tunay na Panday ang siyang mangingibabaw ngayong araw at sa mismong oras ng bilangan ng balota, si Grace pa rin ang tatanghalin na number one at tunay na senador ng bayan.

Hindi  pa rin nakaaklimutan ng mamamayan ang pang-aaping ginawa sa ama ni Grace nang dayain noong 2004 presidential elections.

Ang botong makukuha ni Grace ay replek­siyon pa rin ng boto at suporta ng taongbayan sa kanyang amang si Da King.

Sa huling survey ng Pulse Asia, marami ang nagulat nang mag-numero uno itong si Senador Cynthia Villar sa listahan ng Magic 12. Marami ang nagdududa at hindi naniniwala sa nasabing survey dahil bakit nga naman magiging number one ganoong batbat ng kontrobersiya si Cynthia.

Pinakahuli ay mismong Obispo pa ng Negros Occidental ang bumatikos kay Cynthia dahil sa pagsuporta sa pagpapatayo ng coal-fired power plants sa kanilang lalawigan.

Desmayado si Bishop Gerardo Gerardo Alminaza ng San Carlos  dahil inayunan ni Cynthia ang mga kasinungalingang ibinibenta sa publiko na ang proyektong ito ay mas kapaki-pakinabang sa mahihirap.

At sino rin ba ang makalilimot sa iba pang mga kontrobersiyal na posisyon ni Cynthia sa mahahalagang isyu?

Maging ang grupo ng mga magsasaka ay hindi rin bilib kay Cynthia dahil nga sa pagsu­sulong ng Rice Tarrification Law na paniwala nila ay lalo lamang magbibigay sa kanilang ng problema.

Anti-poor ang tingin ng marami kay Cynthia dahil sa hindi makakalimutang pahayag nito tungkol sa pagbabawal ng unlimited rice.  Alam naman ng lahat na kaligayahan na ng maraming mga Filipino ang “unli rice,” isang paraan para higit na malamnan ang tiyan na kadalasan ay kapos sa pagkain.

Naroroon din ang ginawang pagmemenos ng senador nang tukuyin na hindi na raw dapat pang magtapos ang mga nurses ng kanilang kurso dahil ang gusto nila ay maging room nurse sa ibang bansa para mag-alaga.

Isang bagay pa ang ibinabato kay Cynthia, ito ang pangdededma o inupuan ng kanyang komite ang National Land Use Act, isa sa mga priority measures ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, sa kabila ng layunin nito na makapagtayo ng isang national agency na magkakategorya sa land resource sa apat —protection, pro­duction, settlements development, at infra­structure development.

At bakit nga raw ito inuupuan ng senadora?  Posible dahil sa malaking epekto nito sa negosyo ng kanilang pamilya.

Kaya nga, ngayong araw ng eleksiyon, naniniwala tayo na ilalampaso ni Grace si Cynthia sa aktwal na bilangan ng balota.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *