Saturday , May 10 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bagong senators kailangan ng sambayanan (Hindi trapo, hindi mandorobo)

NGAYONG araw ay muli tayong maghahalal ng ating mga mambabatas, sa Mataas at Mababang Kapulungan sa Kongreso.

Ihahalal din natin ang mga lokal na pinuno ng bayan.

Tayo ang higit na nakakikilala sa kanila kaya dapat lang na maging matalino tayo sa pakikitungo at pagpapasya.

Huwag tayong magbakasakali, matututo tayong pumili gamit ang ating matalinong pagpapasya.

Sa lokal, piliin ang mga tunay na nagtatrabaho sa ikauunlad ng ating lungsod at bayan.

Ibig sabihin, kung sino ang may pruweba ng tunay na aksiyon at pagmamalasakit, at nagpaunlad ng bayan, ‘yun na po ang piliin.

Sa mga senador, sana lang po ay pumili na tayo ng mga bago, huwag trapo, lalong huwag mandorobo.

May kasabihan, “fool me once, shame on you; fool me twice shame on me.”

Sa totoo lang, hindi lang naman tayo dalawang beses naloloko nitong mga ‘trapo’ at mandorobo, maraming beses na.

Huwag din po bomoto ng mga grandstanding, puro pambobola lang ang alam niyan.

Mayroon din naman pong mga batikan na mambabatas, pero dapat ‘yung walang bahid — i-sergs n’yo ‘yan, este i-search n’yo ‘yan.

‘Yung laging #1 hindi dahil sa survey kundi sa totoong programa at serbisyo, isulat po ninyo ‘yan.

Huwag pong maniwala sa mga nagsasabing makakalikasan sila pero malaking porsiyento yata ng lupang agrikultura sa bansa ay sila na ang may-ari. Pati tubig  gusto kanila rin. Baka bukas makalawa pati hangin ay sila na rin ang may-ari at bibilhin na rin natin per metro.

Huwag pong iboto ang matatakaw na sa kapangyarihan, matakaw pa sa likas na yaman ng bansa.        

Uulitin lang po ng inyong lingkod, ‘yung mga bago ang piliin.

Iba naman!    

 

LUTO ANG ELEKSIYON
SA TAGKAWAYAN, QUEZON,
(ATTN: GEN ALBAYALDE)

GOOD day sir Jerry Yap, reklamo lang po namin ngayong eleksiyon, parang ‘martial law’ na po. Ang PNP-HPG ay nagte-checkpoint sa loob ng mga kalsada imbes sa main roads lamang at kapag nasita ay agad na tanong ay kung kaninong partido. ‘Pag sa kalaban ng Eleazar ay butas ng karayom ang lulusutan ng isang rider dahil sa higpit ng paghahanap ng violations kuno ng mga mamang pulis. Sa pagkakaalam po namin ay hindi naman ito kabilang sa election hotspot sa Region 4. Sadyang sobrang higpit na dahil may kaanak na heneral ang batas na bakal na mayoralty candidate dito sa aming lugar. Nananawagan po kami kay PNP Chief Alba­yalde sir. Ang hinuli nila dati ay parang nautusan lamang para uminit ang eleksiyon dito upang humigpit ang sandamakmak na full force personnel. Lahat ng kandidato ay namigay rin naman, pwe! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *