OPISYAL nang inendoso ng Iglesia Ni Cristo si Yvette Ocampo, kandidato sa pagka-kongresista sa ika-6 na distrito ng Maynila, kasama ng kanyang kapatid na si Chikee Ocampo na tumatakbo naman sa pagka-konsehal sa nasabing distrito.
Si Yvette ay bunsong anak ni dating congressman Pablo Ocampo ng Maynila at kapatid ng kasalukuyang kongresista na si Sandy Ocampo na magtatapos sa kanyang ika-18 taon sa serbisyo bilang kongresista sa parehong distrito.
Nangangako si Yvette Ocampo na ipagpapatuloy ang mabubuting programa ng kanilang pamilya sa Sta. Ana, Pandacan at Sta. Mesa, Maynila.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com