Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
electricity meralco

Abusadong power companies parusahan

HINIMOK ng Murang Kur­yente Partylist (MKP) ang kongreso na patawan ng parusa ang power com­panies na nagmamalabis upang maisulong ang repor­ma sa sektor ng koryente na papabor sa consumers.

Sa isang liham sa Joint Congressional Power Commission (JCPC), hiniling ng MKP nominee at tagapag­taguyod ng enerhiya na si Gerry Arances ang mga mambabatas na suriin ang batas ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at ipatupad ang mga kina­kailangang amendments para sa pangmatagalang solusyon sa problema sa koryente.

“MKP is for fundamental reform of the power sector, and we know that the JCPC is also aiming for the same thing and We believe EPIRA should be amended in a way that would prioritize consumers and that we, including the government, should no longer be at the mercy of private com­panies,” saad ni Arances.

Nabatid na isang dela­gasyon ng MKP na pina­munuan ng nominee na si Glenn Ymata ay nagkilos protesta sa gate ng Senado habang ang mga kuma­katawan sa mga ahensiya ng gobyerno, generation companies at distribution utilities ay pumapasok para dumalo sa pagdinig ng JCPC’s na may kaugnayan sa power outages at nala­lapit na halalan.

Ang naturang pagdinig ay pinangunahan nila Sena­tor Sherwin T. Gatchalian, na Senate Committee on Energy Chairman at dina­luhan nina Senator Nancy Binay, Senator Richard Gordon, Senator Loren Legarda, Senator Joseph Victor Ejercito, Senator Francis Escudero, at Senator Bam Aquino.

“Kailangan ipaglaban ang karapatan ng lahat ng consumer na magkaroon ng murang koryente. Hindi mangyayari ito hangga’t hindi maglalabas ng pangil ang pamahalaan at paru­sahan ang mga abusadong power companies” pahayag ni Ymata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …