Wednesday , December 25 2024
NAKIKIPAG-”HIGH FIVE” si Lim sa mga residente nang mag-house to house campaign sa Tambunting, Sta. Cruz, Maynila. (BONG SON)

Sa ilalim ng tirik na araw… Lim nagbahay-bahay sa tambunting

PINABULAANAN ng nag­babalik na Manila Mayor Alfredo S. Lim ang mga paninira na siya ay hindi na nakalalakad o mahi­na na, nang siya ay magsa­gawa ng ‘house-to-house campaign’ sa mataong lugar ng Tambunting sa Sta. Cruz, Maynila, sa ilalim ng tirik na araw.

Nagpasalamat si Lim sa mga residente na nag­si­paglabasan ng tahanan para siya ay salubungin, kamayan, makaku­wento­han, maka-selfie o maku­nan ng retrato, nang tiya­kin nila na ibibigay nila ang kanilang solidong boto kay Lim sa darating na halalan sa 13 Mayo.

Ayon sa mga residen­te, palagiang “number one” si Lim sa kanilang lugar tuwing eleksiyon at wala umano silang dapat alala­hanin dahil sila ay bumo­bo­to base sa nagawa ng isang kandidato.

Partikular nilang pinasalamatan si Lim dahil sa ipinagawang  Mother and Child Hospital (ngayon ay Justice Jose Abad San­tos General Hospital na) na libre ang lahat ng hospital services para sa mga residente ng ikatlong distrito ng Maynila na hindi kaya ang mataas na halaga ng pag­pa­pagamot.

Bukod sa libreng kon­sul­tasyon ay libre rin doon ang lahat ng serbisyo gaya ng x-ray, laboratory, sur­gical procedures at maging take-home medicines.

Tinawanan lang ni Lim nang isumbong ng mga residente na ipinakakalat umano ng kanyang mga kalaban sa politika na hindi na siya nakalalakad dahil sa kanyang edad.

Ani Lim, hindi na niya papatulan ang negatibong kampanya o paninira ng kanyang mga kalaban dahil alam naman umano ng Diyos at ng mga tao mismo kung ano ang totoo.

“Ngayong andito kayo naglalakad nang mabilis, deretso ang tayo at pana­na­lita at sa ilalim pa ng init ng araw, lalo naming napa­tunayan na sinungaling ‘yung mga nag­papakalat na kayo ay mahina na,” anang grupo ng senior citizens na kababaihan kay Lim.

Ayon naman kay Lim, ang edad ay numero lamang at siya ay marami pang maaaring gawin para sa Maynila bilang karag­dagan sa kanyang mga nagawa na sa loob ng apat na termino ng kanyag panunungkulan, kagaya ng pagpapatayo ng City College of Manila (ngayon ay Universidad de Manila)  na nagbibigay ng libreng edukasyon sa kole­hiyo; pagpapatayo ng lima sa anim na city hospitals – isa kada distrito —  na nag­bi­bigay ng libreng hospital care, treatment at mga gamot;  485 daycare cen­ters, 97 karagdagang ba­gong buildings para sa elementary at high schools, 59 barangay health centers at 12 lying-in clinics o paa­nakan ga­yon­din ang 130 kalsada na ipinaayos o ipina-upgrade.

Ibabalik umano ni Lim lahat ng libreng ‘womb-to-tomb’ services na kanyang inilunsad noong 1992 –sakop ang mula sa pagbu­buntis hanggang sa mama­tay ang isang tao — at magpapatayo pa ng libreng kolehiyo sa bawat distrito ng Maynila bilang dagdag sa UDM upang ang mahihi­rap na estudyante ay ‘di na kailangan gumastos para pasahe upang makakuha ng libreng college edu­cation.

 

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *