Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Dating TV reporter, habal-habal driver patay sa pamamaril

BINAWIAN ng buhay ang isang dating reporter ng ABS CBN Cotabato at isang dray­ber ng habal-habal nang pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo sa Barangay Rosary Heights 4 sa lungsod ng Cotabato, nitong gabi ng Miyerkoles.

Kinilala ni P/Maj. Ramil Villagracia, Police Station 2 com­mander, ang mga bikti­mang sina Archad Ayao, 28, dating reporter at residente sa Teksing, Old Market area, Barangay Poblacion 6, kasalukuyang nagtatrabaho sa Bangsamoro Regional Human Rights Commission (BRHRC); at Pio Orteza, 42, drayber ng habal-habal, taga-Purok Dimasiray, Rosary Heights 4.

Ayon kay P/Maj. Villa­gracia, nakasakay sa motor­siklo si Ayao na minama­naheo ni Orteza nang barilin siya sa ulo habang binabag­tas ang Don Ramon Rabago Avenue, na nasa harapan ng Cotabato City Engineering District Office dakong 6:10 pm nitong Miyerkoles.

Nabatid na 50 metro ang layo ng pinangyarihan ng krimen mula sa Police Station 2 na nasa kanto ng Sinsuat at Ramon Rabago avenues.

Parehong tinamaan ng bala ng baril ang ulo ng dalawang biktima at idine­klarang dead-on-arrival nang dalhin sila sa paga­mutan ng mga pulis na nagresponde sa insidente.

Narekober ng mga im­bes­tigador ang dalawang basyo ng bala ng kalibre .45 baril sa lugar ng insidente.

Ikinabigla ni Laisa Alamia, dating executive secretary nang noo’y Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), nang malaman ang pagkamatay ni Ayao.

“Unbelievable, another senseless death! To your family, friends and loved ones, may Allah grant you peace to bring comfort, courage to face the days ahead. May justice be served, if not in this world, then in the hereafter,” paha­yag ni Alamia sa kaniyang Facebook post.

Nagkatrabaho noon ni Alamia si Ayao at inilarawan ang dating katrabaho bilang “committed human rights and social worker, an emergency responder, a trainer, faci­litator. Young, witty, so full of life. Kind, efficient, hard­working.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …