Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matibay, ligtas na pabahay seguruhin — PBB Party-list

IPINASISIGURO ng Partido ng Bayan ang Bida (PBB) Party-list na matibay ang konstruksiyon ng mga govern­ment housing unit kasunod ng 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa Metro Manila at Central Luzon kamakalawa.

Sinabi ni PBB Party-list 1st nominee Atty. Imelda Cruz, mahalagang masiguro na ligtas at matibay ang mga pabahay ng gobyerno ga­yon­din ang iba’t ibang estruktura kasunod ng 6.1 lindol na naging dahilan ng pagguho ng isang 4-storey supermarket sa Porac, Pampanga.

Tatlo ang kompirmadong nasawi sa gumuhong super­­market habang dala­wa katao rin ang namatay sa Lubao matapos mabag­sakan ng gumuhong pader kamakalawa ng hapon.

“Mahalagang matiyak na matibay ang itinatayong housing units gayondin ang high-rise condominium upang masigurong ligtas ang mga nakatira rito,” paliwanag ni Atty. Cruz ng PBB.

Isusulong ng PBB sa Kongreso ang mura, disente at abot-kayang pabahay sa mga Filipino kasunod ng ulat na mahigit 6 milyon ang backlog ng gobyerno sa housing units.

“Dapat matiyak din ng gobyerno na matibay at ligtas na tirahan ang itata­yong housing units kapag naulit ang katulad na pag­yanig,” giit ng PBB.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …