Tuesday , May 6 2025

Senior Citizens segurado kay Lim

TINIYAK kahapon ng nag­babalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim na kanyang dadagdagan lahat ng benepisyo na tinatang­gap ng senior citizens sa lung­sod at bibigyan din ng trabaho o pagkakakitaan, sa oras na siya ay muling mau­po bilang mayor ng lungsod.

Sa isang pulong, kasa­ma ang senior citizens mula sa District 6, tiniyak ni Lim, pati ng kanyang kandidato para Konsehal na si Raffy Jimenez, na kanyang pa­lalakasin ang Office of the Senior Citizens’ Affairs (OSCA) upang higit na makatulong upang mabigyan ng sapat na ayuda at pag-aalaga ang senior citizens sa Maynila.

Kasama sa prayoridad ni Lim ang pagkuha sa listahan ng senior citizens ng lungsod upang agad silang mabigyan ng mataas na benepisyo na makatu­tugon sa mga mahal ng bili­hin sa kasalukuyan.

“Ang kasalukuyang mga benepisyo ay hindi na sapat upang bumili sila ng mga pangunahing panga­ngai­langan kaya’t dapat natin itong dagdagan,” ani Lim.

Ipinarating din ng senior citizens kay Lim na hindi na sila nakatatanggap ng mga benepisyo gaya nang dati na nakukuha nila tuwing kaarawan at hindi na rin umano sila nabibigyan ng prayoridad sa mga ospital na ipinatayo ni Lim na lahat ay libre noong panahon ni Lim bilang alkalde.

Ang mga problemang ito ay kasama umano sa pra­yoridad ni Lim at aniya, napakaliit ng mga benepisyo kompara sa mga naiambag ng senior citizens para sa lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng mga nagtatra­bahong sektor noong kanilang kaba­t­aan.

“Nakinabang ang lungsod ng Maynila sa ating senior citizens noong pana­hong sila ay malakas at bata pa kaya naman nga­yong sila ay nasa dapit-hapon ng kanilang buhay, marapat lang na gantim­pa­laan naman natin sila maski sa maliit lang na paraan gaya ng financial as­sis­tance,” ani Lim.

Sinabi rin ni Lim na bukod sa pagbabalik ng lahat ng libreng serbisyo medikal sa mga ospital ng lungsod na kanyang itinatag sa ilalim ng kanyang administrasyon, titiyakin din niya na ang 12 lying-in clinics na kanyang ipinatayo ay magiging aktibo sa pagtulong sa mga buntis upang muli silang maka­panganak nang libre.

Matatandaan na noong administrasyon ni Lim, tiniyak niyang ang anim na distrito ng Maynila ay may tig-isang ospital na nagbibi­gay ng libreng serbisyong pangkalusugan mula konsul­tasyon, doktor, pagkaka-ospital, operasyon, panga­nganak at maging mga gamot na kailangang inumin pag-uwi ng bahay.

Sa mga naturang ospital ay binibigyang-prayodidad din ang senior citizens kasama ang iba pa gaya ng persons with disabilities (PWDs).

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *