Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ARAL prayoridad ng Ang Probinsyano Party-list 

PRAYORIDAD ng Ang Probinsyano Party-List ang pagsusulong ng programang Access Roads to all Learners (ARAL) sa pakikipag-ugnayan sa DPWH.

“Ang edukasyon ay malaking bahagi ng pag-aangat ng antas ng pamumuhay ng mga nangangailangan nating mga kababayan sa probinsya kaya’t ito ay isa sa mga focus areas ng Ang Probinsyano Party-List,” ayon kay APPL nominee at youth advocate na si Alfred Delos Santos.

“Sa pamamagitan ng programang Access Roads to All Learners, masisiguro natin na ang mga kabataan sa malalayo at liblib na barangay ay makakukuha pa rin ng tamang edukasyon at makapagtatapos ng kanilang pag-aaral. Hangad namin na magkaroon ng mas maraming oportu­nidad pang-edukasyon sa bawat probinsya para maibsan ang kahirapan,” dagdag ni Delos Santos.

Ang pagkakaroon ng maayos na daan ay malaking bahagi ng pag-angat ng ekonomiya ng isang rehiyon kaya’t prayoridad ng Ang Probinsyano Party-list ang pagpapagawa ng mga daan at kalsada sa mga kanayunan at para mapadali ang pagpunta mula rito hanggang sa mga sentrong lugar ng rehiyon, ani  Delos Santos.

“Kinikilala namin na ang makapunta sa paaralan ay isang mahalagang isyu sa mga pamilya na nais magkaroon ng tamang edukasyon ang kanilang mga anak, lalong-lalo na para roon sa mga nakatira sa mga lugar na “geographically isolated, disadvantaged and conflict-afflicted areas o GIDACs.

“Nais naming mapataas ang literacy rate sa bawat barangay sa probinsya at magagawa natin ito kapag ang pagpunta sa mga paaralan ay magiging mas madali para sa kanila,” paliwanag ni Delos Santos.

Ayon sa 2013 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), ang Filipinas ay nagtalaga ng 90.3% rate na nanga­ngahulugang may siyam mula sa sampung Filipino na may edad 10-64 ay masasabing “functionally literate.”

“Ayaw natin na marunong lamang magbasa ang ating kabataan, dapat nating iangat ang antas ng kanilang edukasyon para maging globally competitive ang susunod na henerasyon ng mga Pinoy,” sabi ni Delos Santos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …