Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Probinsyano Party-List tutol sa ban vs provincial buses sa EDSA

TINUTULAN ng Ang Probinsyano Party­-List ang plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang mga terminal ng mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA.

Papahirapan ng naturang plano ang pro­binsyanong commuters samantala wala naman itong maiaambag upang maibsan ang mala-delubyong kalagayan ng trapiko sa EDSA, ayon sa Ang Probinsyano Partylist.

Binigyang-diin ng Ang Probinsyano  na maliit na bahagi lamang o apat na porsi­yento ang mga provincial bus sa kabuuang bilang ng mga sasakyan na bumabagtas sa EDSA.

Naniniwala rin ang Ang Probinsyano Party­list na walang kinalaman ang mga provincial bus sa matinding pagsisikip ng trapiko sa EDSA sapagka’t hindi naman ito katulad ng mga Metro Manila bus na nagsasakay at nagbababa ng mga pasahero sa kahabaan ng naturang highway.

Bukod rito, karamihan sa mga provincial bus ay dumarating sa EDSA tuwing madaling araw at umaalis naman tuwing gabi kung kailan hindi na mabigat ang trapiko dagdag ng Ang Probinsyano Partylist.

Imbes pag-initan ng MMDA ang mga provincial bus, dapat pagtuunan ng MMDA ng pansin ang pagpapatupad ng tamang disiplina para sa mga Metro Manila bus drivers, giit ng Ang Probinsyano Partylist.

Ayon sa grupo, ang isa sa pangunahing dahilan ng matinding trapiko sa EDSA ay pagisisiksikan ng mga Metro Manila bus sa mga sakayan at babaan upang mag-agawan ng makukuhang pasahero.

Dahil dito, sinabi rin ng Ang Probinsyano Partylist na pag-isipan ng MMDA ang pagkaka­roon ng centralized dispatch system para sa organisadong pagsakay at pagbaba ng mga pasahero sa EDSA.

Kapag maayos at mabilis ang daloy ng mga bus sa loob ng mga nakatalagang yellow lane, naniniwala ang Ang Probinsyano partylist na marami sa mga gumagamit ng pribadong sasakyan ang sasakay na lamang ng bus para sa mas matipid at mabilis na biyahe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …