Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Chairman’ nambuntis ng info officer (Termino hindi matatapos)

“PAGSISIKAPAN ko, your honor, na hindi ako matulad sa kanila, na hindi ko matapos ang termino ko.”

Ito ang pahayag ng isang mataas na opisyal ng isang ahensiya mata­pos manumpa sa Com­mission on Appoint­ments (CA) sa pagkakatalaga sa kaniya bilang pinaka­batang chairman ng isang maimpluwensyang ahensiya ng gobyerno.

Pero tulad ng mga sinundan at pinalitan niyag opisyal sa nasabing ahensiya, nanganganib na hindi matapos ng ‘Chair­man’ ang kaniyang ter­mino dahil sa isyu ng imoralidad.

Ayon sa isang mapag­kakatiwalaang source mula mismo sa loob ng ahensiya, kaunting pana­hon na lamang ang hinihintay at pormal na ihahain ang kasong imoralidad laban kay ‘Chairman.’

Ang isyung imora­lidad ay lumutang maka­raang buntisin at anakan ni ‘Chairman’ ang isang staff na sinasabing infor­mation officer.

Ang nasabing staff ay dati rin estudyante ng isang kilalang state uni­versity sa Maynila  at kumuha ng kursong abogasya.

Ayon sa source, ang tinutukoy na ‘Chairman’ ang pinakabatang na­ging hepe ng nasabing ahen­siya at kauna-una­hang namu­no na nag­mula sa isang kontro­bersiyal na rehiyon.

Siya rin ang nag-iisang opisyal na kapwa naita­laga ng nagdaan at kasa­lukuyang administrasyon sa ahensiya.

Gaya ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang nasabing opisyal ay nag-aral sa Ateneo de Davao at kaanak ng isang chief negotiator mula sa Min­danao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …