PALALAWAKIN ni Manila Mayor Joseph Estrada ang capital assistance program (CAP) upang maiahon ang pamumuhay ng mahihirap na Manileño sa kanyang huling termino.
Layon ni Estrada na makapagbigay ng maliit na negosyo sa mahihirap na pamilya upang umangat sa buhay na magiging indikasyon din ng pag-unlad ng lungsod.
Ani Estrada, binibigyan ng pagkakataon ang small entrepreneurs na palaguin ang kanilang negosyo. Sinimulan ni Estrada noong 2013 ang CAP na may capital P5,000 hanggang P10,000.
Bukod sa CAP, nasa 20,000 beneficiaries ang nabigyan ng educational assistance mula 2013-2019 na umaabot sa P90 milyon sa ilallim ng educational assistance program (EAP).
Giit ni Estrada, malaking tulong ang EAP dahil ito ang magbibigay inspirasyon sa mga estudyante na magtapos ng pag aaral at abutin ang kanilang pangarap.
Ang EAP ang tumutulong sa mga estudyante upang makabili ng uniporme, notebooks at project sa school.