HINDI dapat gamitin ng Manila Electric Company (Meralco) ang krisis sa enerhiya o ang yellow power alerts para maisulong ang pitong kahina-hinalang Power Supply Agreement (PSA) o ang tinaguriang ‘Midnight Deals’ na magiging dahilan sa pagtataas ng singil sa koryente.
Ito ang inihayag ni Bayan Muna Chairman Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares at Bayan Muna Representative Carlos Isagani laban sa Meralco na nanamantala sa mga nangyayaring sunod-sunod na power shutdown ng mga planta ng enerhiya.
“Hindi ‘yung gagamitin ng Meralco ang nakadudang red and yellow alerts ngayon upang itulak ang mga planta nila lalo ang Atimonan One sa Quezon. Nakapagtataka rin talaga at pinalusot ito ng Energy Regulatory Commission (ERC) at minamadali ng Department of Energy (DOE),” pahayag ni Colmenares.
Sinabi ni Colmenares, dapat isailalim ng Meralco ang lahat ng 7 PSA’s sa Competitive Selection Process (CSP) at kailangan isumite ang Power Kilowatt Per Hour na napagkasunduan sa pagitan ng Meralco at ng sariling mga kompanya upang tiyakin na ang presyo ng koryente ay hindi magiging mapang-api sa consumers.
“This is precisely what Meralco should have done as soon as the Ombudsman and thereafter, the House Committee on Good Government, issued separate adverse findings on the legality of the 7 PSAs. Meralco will have no one else to blame but itself, for inexplicably fighting tooth and nail for its P5.12/kWh tariff, instead of submitting the same to price challenge at a time that power rates being offered no longer go above P3.00/kWh,” paliwanag ni Colmenares.
Samantala, ibinunyag ni Zarate na mayroong karagdagang P/1.80 per kilowatt per hour na papasanin ng consumers sa sandaling ipasa ng Meralco ang gastos ng konstruksiyon ng Atimonan One Energy Inc. (Atimonan One).
Nabahala pa ang mambabatas sa napaulat na P15 bilyong karadagang gastos ng Atimonan One dahil sa interes ng loans at mataas na presyo ng imported equipment ay magdudulot ito ng P1.80 per kwh na magiging sanhi upang lomobo rin ang rate ng power plants na aabot sa P7.46 per kwh na sobrang taas kompara sa iba pang mga manlalaro na nag-aalok ng koryente sa pinakamababang P2.95 per kwh.
“We once again warn the public that this Atimonan contract, like the six other PSAs that the ERC awarded without bidding to Meralco-controlled companies, used deceptive assumptions to make it appear consumers would enjoy lower power rates. Sad to say, those assumptions belong to the realm of fake news,” pahayag ni Zarate.
Iginiit ni Zarate, dapat isama ito sa mga ipinarerepasong agreements ni Pangulong Duterte upang busisiin dahil labis na dehado ang consumers sa naturang midnight deals.