TANGING ang Ang Probinsyano Partylist (AP-PL) lamang ang binitbit ng mga nangungunang kandidato sa Nueva Ecija sa kanilang proklamasyon kamakailan sa naturang lalawigan.
Pinangunahan ni incumbent Governor Aurelio Umali na tumatakbo sa kanyang ikalawang termino ang pagsusulong sa mga kandidato ng partidong Unang Sigaw gayondin sa kandidatura ng Ang Probinsyano Party-List na sinuportahan pa ng sikat na aktres na si Meg Imperial.
Kasabay ng proklamasyon na isinagawa sa Dr. Jose Lapuz Salonga Gymnasium sa San Antonio ang pagdiriwang ng kaarawan ni San Antonio Mayor Arwin Cruz Salonga na tumatakbo rin sa ikalawang termino.
Bago ang proklamasyon ay nag-motorcade ang volunteers ng Ang Probinsyano Party-list sa pangunguna ni Meg Imperial sa bayan ng Cabiao patungo sa San Isidro, Jaen at San Antonio.
Hindi alintana ni Imperial ang init ng panahon at tumayo pa sa taas ng flatbed truck para ipakita ang kanyang suporta sa Ang Probinsiyano. Inawitan ni Meg Imperial ang mga Novo Ecijano at hiniling ang kanilang suporta para sa Ang Probinsyano Party-List .