ISANG hotel owner ang biktima ng ilang ‘unscrupulous’ people sa Boracay.
Sinunog umano ang kanyang hotel sa Boracay bago ipasara nina DILG Usec Epimaco Densing III at assistant to the Mayor Rowen Aguirre ang isla.
Heto ngayon ang problema ng nasabing negosyante, ayaw siyang bigyan ng Arson report kaya hindi siya makasingil sa insurance.
Kaya malaki ang ipinagtataka niya kung bakit ayaw magbigay ng Arson report ng bombero.
E bakit nga ba!
Ayon sa negosyante, halos P250 milyones ang nawala sa kanya. Kasi nga ayaw siyang bayaran ng insurance dahil walang Arson report.
E ano pala ang balak ng Bureau of Fire (BFP) diyan sa Boracay?! Kailan nila ilalabas ang Arson report?!
Nakikiusap na po ‘yung may-ari ng hotel na sinunog sa Boracay, kailan ba niya mahahawakan ang Arson report?
Umaapela rin siya sa isang tao na kilalang taga-media huwag siyang gawan ng ‘fake news.’
To whom it may concern lang po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap