Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apela sa Semana Santa: ‘Political ceasefire’ muna — Imee

NANAWAGAN ngayon si senatorial bet at Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa lahat ng magkakalabang politiko na pairalin muna ang isang “political ceasefire” sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa o Holy Week.

Ayon kay Marcos, makabubuting itigil na muna ang mga alitan at batikusan ng magkaka­labang politiko sa pana­hon ng kampanya para higit na makapagnilay ang bawat isa bilang mga Kristiyanong naniniwala kay Hesu Kristo.

“Siguro naman hindi kabawasan sa ating lahat na kahit sandali ay makapag­nilay tayo lalo na ngayong Holy Week. Magkaisa tayo at kilalanin ang paghihirap ni Hesu Kristo,” paliwanag ni Marcos.

Ang panawagan ni Marcos ay bunsod na rin ng tumitinding tensiyon bunga ng nakatakdang halalan lalo sa mga lala­wigan kung saan mahigpit ang labanan ng magka­kalabang kandidato.

“Dapat ‘political ceasefire’ muna tayo!  Kahit na paano, malaking tulong ito kung sa pagsapit ng Holy Week ay magkaisa tayong lahat kabilang na ang ating constituents, at maging daan para lalong maging mapayapa ang darating na eleksiyon sa Mayo13,” panawagan ni Marcos.

Idinagdag ni Marcos, ang anumang uri ng karahasan ay hindi mangyayari sa panahon ng eleksiyon kung ang bawat magkakalabang politiko ay magkakaisa bilang mga Kristiyano at isasabuhay ang paghihi­rap ni Hesu Kristo nga­yong Semana Santa.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …