Saturday , July 26 2025

Nueva Ecija farmers nagpasaklolo kay Mar Roxas

HUMINGI ng tulong kay senatorial candidate Mar Roxas ang mga magsasaka ng Nueva Ecija na dumaranas ng El Niño bukod pa ang pagbagsak ng kanilang mga ani dulot ng pagbaha ng mga imported rice at iba pang agricultural products.

Ayon sa magsasaka, bagsak na ang presyo ng palay pati na ang sibuyas na naging sanhi ng kanilang pagkalugi kaya kailangan na nilang magpatulong kay Roxas.

“Ako, tutol ako sa policy ng gobyerno na ang solusyon lagi, import kaagad. Iniimport natin ang bigas, asukal, galunggong, pati sibuyas, ini-import. Kaya hindi na tayo nagtataka na bagsak ang presyo ng mga magsasaka o mga producers natin,” sabi ni Roxas.

Sinabi pa ng ekonomistang si Roxas na imbes import kaagad ang unang nakikita ng mga nasa gobyerno, dapat ay pagtulong muna sa mga magsasaka ang prayoridad dahil iyon ang tamang sistema.

“Gawin nating mas modern ang pagsasaka sa Filipinas. Halimbawa, mga hybrid seeds at post-harvest facilities. Mga thresher, harvester, dryer dapat mechanized na lahat ‘yan. Nang sa gayon, dodoble ang aanihin ng ating farmers, gaganda ang kanilang crop recovery, lalaki ang kanilang kita,” sabi ni Roxas na itinuturing din na ama ng call centers sa bansa. Bagama’t ang gobyerno ay walang magagawa sa El Niño, sinabi ni Roxas na puwede namang tulungan ang mga magsasaka para mabawasan ang epekto nito at hindi na sila kailangan umutang sa 5/6. Sa pinakahuling ulat ng Disaster Risk Reduction & Management (DRRM) Operations Center ng Department of Agriculture (DA) umaabot na sa P4.35 bilyon ang pinsala ng El Niño na nakaapek­to sa 138,859 magsasaka.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …

DOST Region 1 takes part in the Negosyo Learning Series 2025 in La Union

DOST Region 1 takes part in the Negosyo Learning Series 2025 in La Union

THE Department of Science and Technology (DOST) Region I proudly took part in the Negosyo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *