Thursday , December 26 2024
NAKIPAGKAMAY si dating Manila Mayor Fred Lim kay Jude Estrada, anak ng kasalukuyang  Mayor Joseph Estrada sa isang chance encounter kahapon, habang nagsasagawa ng motorcade  sa sixth district ng lungsod. 

Positive friendly campaign isinusulong ni Mayor Alredo Lim

NAGPAMALAS ng ‘good sportsmanship’ at ‘professionalism’ ang nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim nang makipagkamay sa anak ng kanyang kalaban sa politika nang magkrus ang kanilang landas habang nagsasagawa ng motorcade si Lim sa ikaanim na distrito ng lungsod.

Kasama ang kanyang anak na si Manolet, campaign manager Niño dela Cruz at kandidato para konsehal sa sixth district Councilor Raffy Crespo Jimenez, si Lim ay sakay ng kanyang float at bumabagtas sa panulukan ng Pedro Gil at Onyx Streets nang mamataan niya si Jude Estrada, anak ng kasalukuyang mayor Erap Estrada, na nakatayo malapit sa kanilang campaign vehicle.

Agad na iniabot ni  Lim ang kanyang kanang kamay at kinuha ito ni Jude at habang nagkakamay ay natuwa ang mga nakapaligid sa kanila.

Nakangiti pang sinabi ni Lim ang mga katagang ‘good luck’ at matapos noon ay umusad nang muli ang motorcade at itinuloy ni Lim ang pagkaway sa mga bumabati sa kanya.

Ayon kay Lim, na siyang official candidate ng ruling party PDP-Laban na pinamumunuan mismo ni President Rodrigo Duterte bilang chairman, isang ‘friendly campaign’ ang kanyang inilulunsad at hindi ‘yung tipong gumagamit ng mga pangit na aspekto ng kampanya gaya ng black propaganda at batuhan ng putik.

‘E maski tatay niya makita ko, kakamayan ko rin e,’ ani Lim, kasabay ng pahayag na hindi naman kailangan na magaway-away sa kampanyahan.

Ani Lim, siya ay tumatakbo batay sa kanyang track record gaya ng kanyang  ‘womb-to-tomb’ program na kanyang inilunsad sa unang pag-upo niya bilang mayor noong 1992 at kung saan lahat ng uri ng libreng serbisyo ay ibinibigay ng lungsod mula sa pagbu­buntis  pa lang hanggang sa kamatayan; pagpapatayo ng limang pampublikong ospital na nagbibigay ng libreng gamutan, hospitalization at mga medisina, bilang dagdag sa inabutan niya na nag-iisang Ospital ng Maynila; City College of Manila (ngayon ay Universidad de Manila) na nagbibigay ng libreng college education para sa mga ordinaryo o ‘average students’ at bilang karagdagan sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na para naman sa mga honor students mula sa public high schools; 485 libreng day care centers; 97 bagong buildings para sa public elementary at high school;  59 barangay health centers na nagbibigay ng mga libreng gamot at treatment ng mga minor na sakit; 12 lying-in clinics na nagbibigay ng libreng panganganak para sa mga mahihirap na buntis; 132 bagong-gawang kalsada; mga libreng playground at mga sports complex at centralized disaster evacuation centers sa Tondo at Baseco.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *