Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NDF consultant misis, 1 pa arestado (May patong na P7.8-M sa ulo)

ISA pang consultant ng National Democratic Front (NDF)  kasama ang kanyang asawa na mataas na opisyal din ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang inaresto sa bayan ng Liliw, sa lalawigan ng Laguna.

Iniulat ng pulisya na dinakip nila si Francisco “Frank” Fernandez, 71 anyos, spokesperson ng NDF sa Negros.

Pang-anim si Fernan­dez sa 23 miyembro ng NDF peace panel na ina­resto simula nang ipatigil ni Pangulong Duterto ang usaping pangka­paya­paan noong 2017.

Kasamang naaresto ni Fernandez ang kaniyang asawa na si Cleofe Lag­tapon, 66 anyos, na nabatid na nagsilbing regional deputy secretary for communications and for education ng NDF sa Negros, Cebu, Bohol, at Siquijor.

Kabilang din sa mga nadakip si Gee-Ann Perez, 20 anyos, at hinihanalang staff ng NDF sa parehong rehiyon.

Ayon kay S/Supt. Eleazar Matta, director ng Laguna police, isinilbi nila ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Renato Muñoz ng 6th Judicial Regional Trial Court Branch 60 sa lungsod ng Cadiz.

Nitong Linggo, 24 Marso, dakong 5:00 am, nadiskubre ng pinag­sanib-puwersa ng pulisya at mga sundalo ang tatlong kalibre .45 baril, tatlong granada, at iba pang armas sa bahay na tinitirahan ni Fernandez sa Barangay Calumpang, boundary ng mga bayan ng Liliw at Nagcarlan, sa lalawigan ng Laguna.

Ayon sa tala ng pu­lisya, kasama sa top most wanted persons sina Fernandez at Lagtapon na may mataas na po­sisyon sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Noong 2016, nag­deklara ng P7.8 milyong pabuya ang military upang masakote si Fernandez.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …