Thursday , December 26 2024

Kapabayaan

NAKAPANLULUMONG isipin na nasawi ang isang arkitekto matapos mahulog sa daanan ng elevator na inakala niyang pinto ng comfort room sa Cubao, Quezon City.

Napag-alaman na kagagaling lang ng biktimang si Michael Alonzo sa gym at kasama ang isang kaibigan nang makaramdam ng tawag ng kalikasan sa loob ng gusali. Bigla niyang binuksan ang pinto ng inakalang CR at sumilip sa loob bago siya mahulog.

Kung titingnan kasi ay isang pangkaraniwang pinto lamang ang pinasok ng biktima. Wala man lang itong karatula na makapagbibigay ng babala sa panganib na puwedeng mangyari kapag may pumasok dito.

Ayon sa ulat ay umabot daw nang isang oras bago naalis ang katawan ng biktima sa kinahulugan nito. Bagaman naisugod ito sa ospital ay nasawi rin ito kinalaunan.

Kahit saang anggulo tingnan ang insidente, ang palagay ng karamihan ay kapabayaan ang ugat ng pagkasawi ng arkitekto. Dapat ay may sign daw sana na makapagsasabi na daanan ng elevator ang pinasok niya.

Nagpahayag naman ang security ng gusali na hindi na raw kailangan pa ng karatula sa pintuan at naka-lock umano ito. Pero kung totoong naka-lock nga ito, ang tanong ay paano nabuksan ng biktima ang pintuan? Sino ang pumalpak kaya naiwang bukas ang pinto? Walang kamalay-malay ang sino man na may nakaambang panganib at kahuhulugang bangin pala para sa sino mang magkakamaling magbukas ng naturang pintuan.

Batid natin na may service provider ang mga elevator sa bawat gusali. Ito ang may pananagutan at dapat tutukan sa isinasagawang imbestigasyon dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na nagkaroon ng kapalpakan kaugnay ng daanan ng elevator kaya nasawi ang biktima. Dapat din kuwestyonin ang building administrator dahil may pagkukulang din ito sa naganap.

Dapat lang na may managot sa pagkasawi ng arkitekto. Kung walang mananagot sa insidente ay hindi tayo nakatitiyak na hindi na ito mauulit sa mga araw na darating at kung ilang inosente pa ang kailangang magbuwis ng buhay.

***

Nasawi si Steve John Passion, isang pinaghihinalaang supplier ng party drugs, nang makaenkuwentro ang mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Doroteo Jose, Santa Cruz, Maynila.

Si Passion umano ang pinakamalaking supplier ng party drugs sa Metro Manila. Nakuha raw sa suspek ang higit P300,000 halaga ng shabu at ecstasy.

Binabati natin ang PDEA dahil sa matata­gumpay nilang operasyon na sandamakmak na droga ang kanilang nakokompiska. Pero sana ay malambat nila ang mga big time na demonyong pinagkukuhaan ng droga ng malalaking supplier na tulad ni Passion upang mabawasan nang malaki ang ilegal na droga sa Metro Manila.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *