Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Nanitang bawal umihi sa gilid ng bahay… Mister bugbog-sarado na tinarakan pa ng 7 senglot

KRITIKAL ang kala­gayan ng isang 38-anyos self-employed na mister makaraang pagtu­lu­ngang gulpihin at pagsa­saksakin ng grupo ng mga manginginom nang pagbawalang umihi sa gilid ng kanyang bahay sa Caloocan City kama­kalawa nang hapon.

Patuloy na gina­gamot sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital ang biktimang si Jerome Sambayon, ng Phase 8 Blok 77 Lot Excess, Brgy. 176, Bagong Silang sanhi ng grabeng tama ng sak­sak at bugbog sa kata­wan.

Apat sa pitong sus­pek ang agad naaresto ng mga barangay tanod na kinilalang sina Neilmar Obias, 19, Richelda Obias, 42, Jayson Tabor, 25, at Ronnel Obias, 42.

Pinaghahanap ang mga suspek na sina Jomuel Anasco, Jayson Parillo at Lyndon Caing.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 5:45 pm, masayang at mai­ngay na nag-iinuman ang mga suspek sa gilid ng bahay ng biktima na ginawa na rin nilang ihian at sukahan.

Dito na nainis si Sam­­bayon dahilan upang sitahin ang mga manginginom na ikina­galit ng suspek na si Neilmar sabay palo ng bote ng  alak sa may-ari ng bahay.

Bumagasak si Sam­bayon pero imbes uma­wat ang iba pang suspek, tulong-tulong pa nilang ginulpi at sinaksak ang biktima.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …