Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

16-anyos pinilahan 3 bagets kalaboso

ARESTADO ang tatlong suspek sa panggagahasa sa isang 16-anyos dala­gita na kanilang kainu­man sa Tondo, Maynila kahapon.

Kinilala ang mga sus­pek na sina  Angelito Gon­zales, 25,  at magka­patid na Prince, 20, at Paul  Diwa, 18,  pawang nakatira sa Melalcalde St., sa Tondo.

Ayon sa ina ng bikti­ma na itinago sa panga­lang Ann, latang-lata nang umuwi sa kanilang bahay ang anak nang magsumbong sa kanya kaugnay sa ginawa ng mga suspek.

Nauna rito, niyaya umano ng isa pang kaibigang lalaki  ang biktima na mag-inuman at nang magising, nakita na niyang nakapatong si Angelito sa kanya.

Pinipilit naman uma­sno ng biktima na pumiglas ngunit wala nang lakas ang katawan dahil sa hilo at panghi­hina.

Bago umano ginahasa ni Angelito ang biktima ay mayroon pang nau­nang gumawa nito ha­bang pinanonood naman ng magkapatid na Diwa.

Sinabi ni Supt. Reynaldo Magdaluyo, hepe ng MPD-PS 1 na posibleng hindi lang alak ang ipinainom sa biktima dahil kaunti aniya ang nainom pero agad nawa­lan ng malay.

Tatlo pang suspek ang pinaghahanap ng pulisya na kasamang nakai­nu­man at gumahasa sa bik­tima. Inalok ng kasal ni Angelito ang biktima at sinabing nagawa lamang ito dahil sa sobrang kalasingan ngunit hindi pumayag ang ina ng biktima at pursigidong kasuhan ang mga suspek.

Sasampahan ang tatlo ng kasong rape in relation to 7610 habang isasai­la­lim sa counselling ang bik­tima dahil sa trau­mang pinagdanaan nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …