Saturday , November 16 2024

Budget Bill ‘di babawiin ng Kamara — GMA

HINDI babawiin ng Kamara ang panukalang budget mula sa Senado lalo na kung may mga lump sum na pondo na pinagbabawal ng Saligang Batas.

Ayon kay House Speaker Gloria Maca­pagal-Arroyo, hindi nila binawi ang kanilang bersiyon ng panukalang budget taliwas sa paha­yag ng mga senador.

“No, we have not withdrawn our version. We’re in discussions about what is the pro­posed new version,” ani Arroyo.

Sinabi ni Arroyo na magpupulong ang mga kongresista pati na si Congressman Ronnie Zamora na nakikipag-ugnayan sa Senado patungkol dito.

“I’m going to meet today with the House members… and with Congressman Ronnie Zamora,” dagdag ni Arroyo.

Aniya, iginiit ng mga kongresista ang bersiyon ng Kamara na walang lump sum sa budget.

“We will insist on no lump sum because that is what is unconstitutional. That’s what we will insist, no lump sum. Now, as to the details, that’s the one that we’ll see,” ani Arroyo.

Paliwanag ni Arroyo wala silang napagka­sunduan ni Senate Pre­sident Tito Sotto patung­kol sa pagbawi ng panu­kalang budget.  

“If we don’t come to an agreement and then Tito Sotto does not sign the bill, then there’s no bill to send to the President. So I do not know if we will but I would wish we would,” aniya.

Nauna nang sinabi ni House appropriations chairman Rolando Andaya na hindi maaa­ring bawiin ng Kamara ang panukalang budget dahil ito ay inaprub ng Kamara sa plenaryo. 

Aniya, kung ano ang inaprub ng plenaryo ay hindi puwedeng bawiin ng isang kongresista.

ni Gerry Baldo

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *