Tuesday , December 24 2024

Graft, plunder vs Fresnedi inihain sa Ombudsman

INIREKLAMO ng isang grupo ng mga mamamayan sa Muntinlupa ang kanilang alkaldeng si Atty. Jaime Fresnedi sa Ombudsman dahil sa mga iregularidad na kinasasangkutan ng ilegal na kontrata at kickback na mahigit sa P65 milyones.

Nitong 11 Marso 2019, naghain ng reklamo sa Ombudsman ang mga kilalang lehitimo at taal na mamamayan ng Mun­tinlupa dahil sa pagpa­pahintulot ni Fresnedi ng extension na tatlong buwan sa limang kontrata na walang kaukulang re­solusyon ng Sangguniang Panlungsod.

Ang ikalawang kaso ay inihain sa Ombudsman nitong 15 Marso 2019 hinggil sa kickback na mahigit P65 milyon ang pagbili sa lote.

Sa isinagawang press conference kahapon, por­mal na naghain ng kaso ang mga contractor na GovMedic Trading at Clarita Ines Canteen na kinatawan ni Renato So, residente sa Brgy. Sucat, Muntinlupa City; Maha­limuyak Laundry Corp., at ang Integrated Waste Management na kina­katawan ni Leonilo San­tos, residente sa Brgy. Buli, Muntinlupa City; at ang Linde Phil Inc., na kinatawan ni Jan Aldain Bejosano na residente rin sa Brgy. Buli, Muntinlupa City.

Ang Clarita Ines Canteen ay nabigyan ng tatlong-buwan eksten­siyon hanggang nitong 18 Pebrero 2018 para sa Ospital ng Muntinlupa.

Nabigyan naman ng ekstensiyon ang Linde Waste Management Inc., noong 21 Marso 2018 para sa kontrata sa Ospi­tal ng Muntinlupa.

Ang GovMedic Tra­ding ay nabigyan ng kontrata noong 20 Hulyo 2018 para sa food subsidy ng mga preso sa Muntin­lupa City.

Ang Linde Phil Inc., noong 23 Pebrero 2018 sa kontratang medical gases para sa Ospital ng Mun­tin­lupa; at ang Mahali­muyak Laundry Corp noong 16 Pebrero 2018 na kontrata para sa Ospital ng Muntinlupa.

Gayonman, ang tat­long buwang ekstensiyon na ibinigay sa naturang mga kontratista ay wa­lang inisyung resolusyon ang Sangguniang Pan­lung­sod para magkaroon ng awtorisasyon si Fres­nedi sa pagbibigay ng nasabing extension.

Bukod dito, sinabi ng mga kinatawan ng mga contractor firms na wala silang kinalaman sa mga ginawa ni Fresnedi at hindi rin sila nag-request ng ekstensiyon sa kanilang mga kontrata.

Ang ikalawang kaso, na sinabing Plunder ay inihain ng isang Rafael Arciaga na residente sa Brgy. Putatan, Muntin­lupa City, na isinumi­te nitong 15 Marso, ay hinggil sa pagbili ng loteng overpriced.

Noong 18 Hunyo 2014 ay nagsumite ng written letter kay Fresnedi ang mga nagngangalang Divina Villanueva, Ester dela Cruz, Gregorio Cubacub, Efren Villa­nueva, Grace Panolino, Remedios Narvaez at Romeo Quilapio para sa pagbebenta ng lote sa halagang  P2,500 per square meter at noong May 27, 2015 ay nag­sumite uli ng written letter ang mga seller na ang halaga ay  P5,000 per  square meter.

Pinalabas umano ni Fresnedi na natawaran niya ang presyo at naging P4,000 per square meter.

Inihayag ni Arciaga na ang bilihan ng lupa na may kabuuang sukat na 43,687 sqm ay kuwes­tiyonable dahil ginamit ang pondo para sa Special Education Fund gayong wala namang resolusyon para sa education project o ang pagpapatayo ng gusaling paaralan.

“Ang unang offer letter ay sa isang coupon bond lang nakasulat at ‘yung pangalawang letter naman, ang ginamit ay ‘yung official letterhead at may seal ni Fresnedi na pinalabas na natawaran niya ang presyo pero ang katotohanan ay kumita nang mahigit P65 milyon si Mayor at ‘yun ay maliwanag na Plunder,” pahayag ni Arciaga.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *