Tuesday , December 24 2024
QC quezon city

Bingbong muling inilampaso ni Joy (Sa Quezon City)

MULING nailampaso ni mayoralty bet QC Vice Mayor Joy Belmon­te ang mga magiging ka­tung­gali na sina QC First District Rep. Vincent Crisologo at Ismael “Chuck” Mathay Jr., sa pagka-mayor ng lungsod.

Ito ay makaraang makakuha si Belmonte ng 75 percent votes na malaking lamang kay Crisologo na nakakuha lamang ng 24 percent votes habang si Mathay ay one  percent.

Ang survey ay kuma­katawan sa 3,500 voters ng National Capital Region na isinagawa ng RP-Mission and Develop­ment Foundation Inc. (RPMD Inc.)  nitong  1-10 Marso 2019.

Una nang nagsagawa ng survey ang RPMD Inc., noong 1-10 Pebrero mula sa 2,500 respondents na tinanong kung sino ang nais mamumo sa lungsod at nananatiling si Belmon­te ang top choice ng taong­bayan nang makakuha ng 72 percent boto,  18 percent si Crisologo  at 3 percent si Mathay.

Sa mga natanong, nagsabi na mas gusto nila ang mas batang lingkod bayan na may sapat na kakayahan at galing sa pamamahala sa lokalidad na tulad ni Belmonte.

“I’m very thankful to God and to our con­stituents for this positive response. We have a long way to go, but I am confident that my call for better governance and inclusive development will be heard loud and clear,” pahayag ni Belmonte.

Si Belmonte, ay nasa ikatlo at huling termino niya ngayon bilang vice mayor ng QC na masa­sabing siya lamang ang tanging lingkodbayan na magbibigay ng tunay na pagbabago, pag-unlad at magbibigay sigla sa kabuhayan ng mga taga-QC.

Para sa vice mayor’s position, nakopo naman ni  councilor Gian Sotto ang 42 percent na ungos kay Jopet Sison na naka­kuha ng 15 percent at Roderick Paulate 13 percent.

Bago naganap ang survey na ginawa ng RPMD Inc.,  nailampaso din ni Belmonte si Criso­logo sa ginawang survey na kinomisyon ng PUBLiCUS Asia Inc., noong 16-20 Nobyembre 2018, may bilang na 1,800 registered voters ang respondent sa kabu­uan ng Metro Manila.

Nakakuha si Belmon­te ng 59 percent, na malaking lamang kung ikokompara sa 17 percent ni Crisologo. Binigyang-diin ng mga taga-QC, ang mahu­say na pamamahala ni Belmonte at pagpapa­tupad ng iba’t ibang pro­grama para sa kapakanan ng mga residente ang nagtulak sa kanila para gawing No. 1 si Belmonte sa kanilang puso. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *