Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Senador Bam, top choice ng religious groups

SI Senador Bam Aqui­no ang pinakaunang kan­di­datong gustong ma­ka­balik sa senado ng People’s Choice Move­ment (PCM) ma­ta­pos busisiin ng iba’t ibang religious group ang karakter, kakaya­han at mga nagawa ng mga kumakandidato para sa nalalapit na eleksiyon.

Ang PCM na kina­bibilangan ng mga religious group tulad ng Catholic, Evangelical at Protestant ay nagsa­gawa ng isang con­vention sa pangunguna ng mahi­git 100 lider para sa pag­pili ng kanilang mga ibo­boto.

Nanguna si Sen Bam sa kanilang top choice matapos ang pag-aaral sa kanyang mga nagawa habang nasa senado, bukod pa ang maayos na karakter bilang tao.

“Taos-puso po akong nagpapasalamat sa People’s Choice Move­ment sa kanilang pagki­lala at tiwala. Napaka­laking bagay rin po sa akin na napahalagahan po nila ang ating mga naga­wa sa Senado. Ito po’y magbibigay lakas sa akin para magpatuloy kahit sa gitna ng mga paninira,” ani Sen. Bam na naka­kuha ng 120 votes mula sa PCM leaders.

Kasama ni Sen Bam na nakapasok sa top 10 ang Otso Diretso bets na si Chel Diokno, Pilo Hilbay, na parehong 118 votes at Erin Tañada, 112 votes.

“Napakamakabu­luhan po ng kanilang suporta dahil mula sila sa iba’t ibang faith-based groups na ang pamantayan sa pagpili ay kung ano ang maka­bubuti sa bayan,” ani Sen Bam.

Sinabi ni Sen Bam, magiging inspirasyon niya ang pagtataguyod ng PCM sa kanyang kandidatura at nanga­kong patuloy na isusu­long ang kapakanan at karapatan ng mga mama­mayan, lalo ng mahihirap. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …