Tuesday , December 24 2024
heat stroke hot temp

El Niño kontrolin — Manicad

NANAWAGAN ang broad­cast journalist at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad sa pamahalaan na radikal na aksiyon ang kailangan upang ikontrol ang epekto ng El Niño sa suplay ng tubig lalo para sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Manicad, maaaring mawalan ng bilyon-bilyong piso ang sektor ng agrikultura kung hindi magpapatupad ng agarang aksiyon upang pahupain ang pinsalang dulot ng matinding init ng panahon.

“We are an agricultural nation. We depend on agriculture for food but the looming water crisis is taking its toll on our farms and livestock,” ani Manicad.

Sinabi rin ng batikang mamamahayag, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority, mga 57 porsiyento lang o 1.73 milyong ektarya ng mga sakahan sa bansa ang may maayos na sistema para sa irigasyon o patubig.

“Where our irrigation system gets water – the dams –  are getting dry. This could mean a crisis if we don’t mitigate the effects of the El Niño,” babala ni Manicad.

Nanawagan din ang mamamahayag sa mga nakatira sa kalunsuran, lalo sa Metro Manila, na mag-ipon ng tubig lalo na’t lumalala ang sitwasyon sa suplay ng tubig sa rehiyon.

“‘Wag din nating kalimu­tan na ang tubig na tinitipid ng tao ay mapapa­kina­bangan ng mga palay, gulay at iba pang pananim,” aniya.

Kinukuha ng Metro Manila ang tubig mula sa Angat, Ipo at La Mesa dams.

Bahagi ng tubig mula sa Angat Dam ay ginagamit din upang patubigan ang mga sakahan sa Bulacan at Pampanga.

“Unnecessary use of water, for sports and other recreational activities, should now be stopped,” panawagan ni Manicad.

Bahagi ng plataporma ni Manicad ang maghain ng mga batas na tutuon sa agrikultura at paninigurado ng sapat na pagkain sakal­ing mahalal sa Senado sa susunod na halalan.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *