Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

157 sakay ng Ethiopian Airlines patay sa plane crash (Patungong Nairobi)

PATAY ang 157 pasahero at crew na sakay ng Ethiopian Airlines flight patungong Nairobi nang bumagsak ilang sandali matapos suma­himpapawid nitong umaga ng Linggo sa Ethiopia.

Ayon sa Ethiopia Broad­casting Corporation, mula sa 33 nasyonalidad ang bumubuo sa 157 pasahero ng EA flight.

Samantala, hindi pa malinaw ang dahilan ng pagbagsak ng bagong Boeing 737-8 MAX plane na kasalukuyang iniimbesti­gahan.

Pinakamalaki sa Africa ang state-owned Ethiopian Airlines at ikinokosiderang pinakamagandang airline sa rehiyon na pinapangarap maging gateway ng konti­nente.

Ayon sa pahayag ng airlines, nasa eroplano ang 149 pasahero at walong crew members nang bu­mag­sak anim na minuto matapos mag-take off mula sa Addis Ababa patungong Nairobi, ang kabisera ng Kenya.

Bumagsak ang eroplano bandang Bishoftu, o Debre Zeit, 50 kilometro mula sa timog ng Addis Ababa, ilang minuto matapos mag-take off 8:38 am.

Ayon sa airline, “Search and rescue operations are in progress and we have no confirmed information about survivors or any possible casualties.”

Ngapahayag ng pakiki­ramay ang Ethiopian prime minister sa mga naulila ng mga namatay na pasahero.

Noong 2010, bumagsak din ang isang eroplano ng Ethiopian Airlines 10 minuto matapos mag-take off mula sa Beirut na ikinamatay ng pasaherong sakay nito.

Samantala, sinabi Prime Minister Abiy Ahmed, magi­ging bukas sila sa foreign investors upang mapaunlad ang iba’t ibang sektor gaya ng airlines.

Kasalukuyang nasa ekspansiyon ang Ethiopian Airlines kabilang ang pagbu­bukas ng ruta patungong Moscow, Russia at pagbu­bu­kas ng bagong paliparan sa Addis Ababa na mas malaki ang kapasidad.

Ayon kay PM Ahmed, kailangan magtayo ng “Airport City” terminal sa Bishoftu – ang pinang­yarihan ng pagbagsak ni­tong Linggo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …