Tuesday , December 24 2024

Magna carta for SMEs ‘salbabida’ ng maliliit na negosyante — Mar Roxas

ANG batas na ginawa ni dating senador Mar Roxas ukol sa Magna Carta for Small-Medium Enterprises ang sumagip sa maraming maliliit na negosyante nang kanyang ipatupad noong siya ay Trade and Industry secretary.

Sa multi-sectoral forum sa unang araw ng Marso sa Calamba, Laguna, inulan ng tanong ang dating senador na si Roxas kung paano makapagsisimula ng nego­syo ang mga mamama­yan sa tulong ng pautang ng gobyerno.

“Inaamin ko na isa akong maliit na negosyanteng nag-iisip ng paraan para maka­ahon sa buhay. Ang proble­ma ko, kulang ako sa puhu­nan. Sa paanong paraan ba ako makakukuha ng tulong-pinansiyal sa ating go­byerno?” tanong kay Roxas ni Sheryl Villanueva, foun­der ng Sta. Rosa Partner­ship Organization.

Ayon kay Roxas, ang “Magna Carta for Small-Medium Enterprises (SMEs) na isinabatas niya noong senador pa siya ang sagot sa mga tanong ni Villanueva dahil ito ang nagmistulang ‘salbabida’ ng maliliit na negosyanteng nalulunod sa tindi ng kompetisyon.

“Ang nangyayari nga­yon, ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinahayaan na balewalain ang batas na ito na nagsasaad na ang mga banko ay dapat na mag­pautang sa maliliit na negosyante.

Sinasabi ng BSP sa mga banko, okey lang na hindi kayo magpautang, bilhin n’yo na lang ang aming utang. Ang tawag diyan, alter­native compliance,” sabi ni Roxas.

Ayon kay Roxas, ang gobyerno ay puwedeng umutang sa mga pondong kailangan ng estado pero hindi ganito sa pangka­raniwang mamamamayan tulad ni Sheryl na walang pang-collateral.

“Kailangan pairalin natin ang nakasaad sa batas para sa alternative com­pliance dahil sa paraang ito matutulungan ang SMEs,” ayon kay Roxas.

Bukod dito, tinukoy ni Roxas ang Small Business Guarantee Fund Cor­poration (SBGFC), na isang government agency na gumagarantiya na makau­utang sa bangko ang SMEs.

“Noong DTI ako, ginamit ko ito. Ngayon, ang isang gobyerno na tututok at gustong makatulong sa ma­liliit na negosyante, popon­dohan niya ‘yang SBGFC. Pero kung ang gobyerno, binabalewala ang maliliit, babalewalain din niya ‘yung SBGFC, kaya hirap ang mga maliliit na makahanap ng mauutangan,” sabi ng ekonomistang si Roxas.

Tiniyak ni Roxas na tututukan niya sa pagbabalik sa senado ang mga kapa­raanang magbibigay ng suporta sa mga gustong magsimula ng maliit na negosyo.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *