Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PATAY sa loob ng MPD mobile patrol car ang dalawang sinabing hired killers na sina Apolonio Flores ng Fajardo St., Sampaloc, at Prince Cortez, ng Malaya St., Balut, Tondo, nang tambangan ng mga suspek na sakay ng tatlong motorsiklo, habang lulan ang dalawang napaslang sa MPD PS4 Mobile Patrol 328 sa A.H. Lacson Ave., pabalik sa presinto mula sa inquest proceedings. Naunang naaresto ang dalawa ng MPD Sampaloc Station (PS4) katuwang ang MPD PS1 at SWAT sa magkahiwalay na police operations sa Sampaloc at Tondo, Maynila kamakalawa. (BRIAN BILASANO)

Arestadong hired killers pinagbabaril sa Maynila

PATAY ang dalawang nadakip na hired killer nang tambangan ng motor­cycle riding-in-tandem gunmen habang lulan ng mobile patrol pagkagaling sa inquest proceedings pabalik sa police station sa Sampa­loc, Maynila.

Naganap ang pana­nambang dakong 4:15 pm, sa kahabaan ng A.H. Lacson Avenue ilang metro mula sa panulukan ng Fajardo St., sa Sampaloc, nang biglang sumulpot ang tatlong riding-in-tandem saka hinarang ang MPD mobile car MC 328.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, binabaybay ng mobile car ang naturang lugar nang mapahinto dahil humarang ang riding-in-tandem.

Kasunod nito, biglang bumaba ang sakay ng nasa unahan na motor­siklo at lumapit sa mobile car kasabay ng dalawa pang riding-in-tandem saka tinutukan at dini­s­armahan ang dalawang pulis na sina Po1 Joven Miguel at Po2 Mark de Lima.

Pinadapa ng apat na armadong suspek ang dalawang pulis saka wa­lang habas na pinapu­tu­kan ang mobile na ikina­matay ng dalawang lalaki na nauna nang nahuli ng pulisya.

Kinilala ang mga na­paslang na sina Apolonio Flores ng Fajardo St., Sampaloc, at Prince Cortez, 22 anyos, nego­syante at residente sa Malaya St., Balut, Tondo na sinasabing hired killer/gun for hire na nahuli sa magkasunod na police operations sa Sampaloc at Tondo, Maynila kamaka­lawa ng hapon.

Nakompiska kina Flores at Cortez ang isang loaded kalibre .45, gran­da, at mga cellphone na naglalaman ng mga impormasyon kaugnay sa kalakaran ng droga sa Tondo.

Galing sa inquest proceedings ang police mobile lulan ang dala­wang naarestong gun-for-hire nang tambangan ng mga suspek.

Patuloy ang imbes­tiga­syon ng pulisya sa insidente.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …