Friday , November 22 2024

Pia Cayetano nagpasalamat kay Pangulong Duterte (Mas mahabang maternity leave para sa mga nanay, batas na!)

NAGPASALAMAT si Deputy Speaker Pia Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda niya sa Expanded Maternity Leave Act na nagpalawig sa araw ng  ”paid maternity leave” ng mga nanay  mula sa kasalukuyang 60 araw hanggang 105 araw.

“Ang mas mahabang araw ng maternity leave ay makapagbibigay ng panahon para mga nanay na magpagaling pagkatapos manganak at maalagaan ang kanilang bagong sanggol,” ani Cayetano.

Simula noong 16th Congress ay ipinaglaban na ni Congresswoman Pia ang panukalang pahabain ang maternity leave ng mga kababaihang nagtatrabaho.

Nagpasalamat ang kinatawan ng Taguig kay Pangulong Duterte sa pakikinig sa kanyang posisyon ukol sa pangangailangan ng batas para sa mga kababaihang nagtatrabaho, at maging sa pagsuporta sa kanyang mungkahi. Sinabi mismo ng Pangulo noong inendoso niya si Cayetano sa rally ng PDP-Laban sa Bulacan nitong huling linggo na handa siyang makinig sa mungkahi ng babaeng mambabatas pagdating sa pagtugon sa mga problema ng bansa.

“Ang panukala tungkol sa maternity leave ay tila isang sanggol na hinintay kong maipanganak. Sa mahabang panahon, simula pa noong nasa Senado pa ako, talagang pinagsikapan ko ang pagpasa ng panukalang-batas na ito,”  paglilinaw ni Cayetano.

Matapos ang mahigit dalawang dekada, ngayon lang muli nakapagpasa ng batas na nagdadagdag ng benepisyo sa mga kababaihang nagda­dalantao.

Matatandaang ang Republic Act 7322 o “Act Increasing Maternity Benefits in favour of Women Workers in the Private Sector” ay naging batas noong Marso 1992.

Dito unang itinakda ang 60 araw na maternity leave para sa mga nanay na nagtatrabaho.

“Kinikilala ng batas na ito ang dalawang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa lipunan: ang pagkakaroon ng mahalagang parte sa ating labor force, at pagiging ina,” paglalahad ni Caye­tano.

Ang bagong batas sa maternity leave ay tinuturing na maagang regalo ni Duterte para sa pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan sa Marso 8, lalo na para sa mga “working mother.”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *