CONSTITUTIONAL ignoramus daw si National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema nang magmungkahi siya na tanggalan ng scholarship ang mga estudyanteng lumalahok sa kilos protesta.
Hayan nasermonan tuloy siya ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero at sinabing ‘unconstitutional’ ang kanyang proposal.
Yucks ano ba ‘yan?!
Nagkataong chairman ng NYC tapos gustong tanggalan ng boses ang mga kabataan?!
Sabi ni Senator Chiz, kasalukuyang chairperson ng Senate education committee, nilalabag ng mungkahi ni Cardema ang 1987 Constitution at ang mga karapatan na ginagarantiyahan nito. Kabilang rito ang right to free speech, right to peaceful assembly, and right to due process and equal protection of the laws.
“The government is the government of those who agree with it and disagree with it… and the President is the President of those who voted for him and did not vote for him,” pahayag ni Senator Chiz.
Patuloy ni Senator Chiz sa kanyang sermon kay Cardema, “Both the President and the government should serve every Filipino without distinction and regardless of political beliefs. Dissent in a democracy should never be frowned upon, much less penalized in any way.”
Itong si Cardema, masasabi nating isa sa mga opisyal ng Duterte administration na ‘naghahanap’ ng mga taong magagalit kay Pangulong Digong.
Imbes makatulong laban sa mga silip nang silip para mabutasan ang Pangulo, e siya pang nagiging ‘mitsa’ para mahanapan ng butas at mabanatan si Digong.
E kung sumasahod lang nang malaki tapos hindi naman nakatutulong sa programa ng gobyerno, ano pang dapat gawin sa mga kagaya ni Cardema?
E ‘di sibakin!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap