Saturday , April 26 2025
MULING inaresto ang inmate na American Roman Catholic priest na si Kenneth Bernard Pius Hendrick para silbihan ng bagong search warrant sa kasong Act of Lasciviousness in relation to RA 7610 (The Child Abuse Law) sa pangunguna ni NCRPO chief, Director Guillermo Eleazar kasama ang Bureau of Immigration Fugitive Search Unit at ang  US Department of Homeland Security matapos sumugod sa Immigration Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kahapon ng umaga. (ERIC JAYSON DREW)

Paring Kano muling inaresto sa pagmolestiya sa 5 sakristan

MULING inaresto ang isang paring Katoliko kahapon dahil sa rek­la­mong pangmomolestiya sa 50 bagong biktima na karamihan ay mga ba­tang sakristan.

Inaresto ng awtori­dad si Kenneth Pius Hendricks matapos ang higit dalawang buwan mula nang unang madetine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig dahil sa reklamong pang-aabu­­so.

Unang nahuli si Hen­dricks noong 5 Disyem­bre 2018 sa lalawigan ng Biliran province nang maisyuhan ng warrant of arrest galing sa United States District Court for Ohio noong 11 Nobyembre 2018 sa kasong “engaging in illicit sex with a minor in a foreign country.”

Nitong Martes, mu­ling hinainan ng limang warrant of arrest ang pari dahil sa hinihinalang pang-aabuso sa mga bagong biktima na kara­mihan ay mga sakristan.

Sinabi ng mga pulis na sa una ay takot ang mga biktima na magsum­bong dahil sa pagbabanta ng pari ngunit napag­desisyonan nilang luma­bas nang malamang nau­na na siyang naaresto ng mga tauhan ng Im­migra­tion.

Inilabas ng Biliran Regional Trial Court Branch 16 ang limang warrant of arrests para sa mga kasong acts of lasci­viousness at child abuse laban kay Hendricks.

Naaresto si Hen­dricks ng magkasamang puwer­sa ng Regional Special Operations Unit (RSOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO), BI Fugitive Search Unit, at US Department of Homel and Security.

Ililipat si Hendricks mula sa BI detention facility patungo sa RSOU jail.

Sa nakalap na im­por­masyon, unang nagpunta sa Filipinas si Hendricks noong 1968 mula sa Cincinnati, Ohio, USA.

Naordinahan siyang pari sa bansa sa ilalim ng Franciscan Order at nagsilbi sa kapilya ng St. Isidore the Worker sa Talustosan Village, Bili­ran.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *