Tuesday , April 15 2025

Pagsasaka, hindi basketball na kailangan ng import — Mar Roxas

MAS malakas na suporta ng gobyerno ang kailangan para mapasigla ang pagsasaka at hindi sagot ang importasyon.

Ito ang tahasang tugon ni former DTI at dating senador Mar Roxas sa mga nagsusulong ng rice importation at pag-aangkat ng mga produktong agrikultura.

Ayon kay Roxas, ang pagsasaka ay hindi katulad ng PBA na may All-Filipino Conference at Reinforced Conference na kailangan pa ng imported players.

Binigyang-diin ni Roxas na ang planong deregulasyon sa asukal, bigas at iba pang agri products ay magiging dagok sa local farmers na umaasa sa kanilang ani.

“Nakakapagtaka, parang lahat na lang ng iminumungkahi ng Department of Agriculture ay mag-import tayo. ‘Di ba parang inaamin natin na hindi natin kaya, na hindi niya nagampanan ‘yung trabaho nya. Hindi naman basketball ang pagtatanim at pagsasaka, magaling ang Pinoy farmers diyan mula’t mula pa,” sabi ni Roxas.

Payo ni Roxas, mas mabuting doblehin pa ang pagsuporta ng gobyerno sa mga magsasaka para mas gumanda ang produksiyon nila tuwing harvest season at tumaas umano ang kita.

Sa pamamagitan ng magandang ani, sinabi ni Roxas, mas mapapababa pa nito ang presyo ng mga paninda sa merkado.

“Para sa akin bago tayo mag-import gawin natin ang lahat para matulungan ‘yung mga mag­sasakang Filipino. Emergency mea­sure lang dapat ang importation at hindi mandato,” ani Roxas na naki­lalang Mr. Palengke dahil sa pagba­bantay niya sa presyo ng mga bilihin noong DTI secretary pa siya.

About hataw tabloid

Check Also

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *