Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Jinggoy at Bong saan pupulutin?

KAHIT na sabihin pang madalas pumasok sina dating Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa Magic 12 ng survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS), mukhang mahihirapan silang makalusot sa darating na May 13 midterm elections.

Mahalagang bagay ang endorsement ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, at ang pagkabigo na hindi sila piliin bilang mga kandidato ng president ay isang malaking kawalan para sa kanilang kandidatura.

Alam din ng taongbayan na sa kasalukuyan ay nahaharap pa rin sa kasong graft and corruption sina Jinggoy at Bong, at isang mala­king isyu ito para sa kanilang kandidatura lalo sa usapin ng propaganda para tuluyang maihalal bilang mga senador.

Hindi tanga ang taongbayan, at hindi sa pamamagitan ng sandamakmak na tarpaulin nina Jinggoy at Bong makukuha nila ang boto ng mamamayang Filipino. Tadtarin man nila ng kanilang tarpaulin at poster ang buong Metro Manila, isama na ang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao ay mahihirapan na silang manalo sa darating na halalan.

Ang endorsement ni Digong ay mahalaga, at ang hindi pagbibigay basbas kina Jinggoy at Bong ang magpapabagsak sa dalawang magkaibigan na minsan ay nakulong sa Camp Crame dahil sa mga kasong korupsiyon!

Sayang talaga sina Jinggoy at Bong. At kung tulayang hindi na sila makapapasok sa eleksiyon, malamang na ang makasilat sa kanilang puwesto ay sina JV Ejercito at Bato dela Rosa na bumubuntot sa kanila sa ngayon.

At maaari talagang makalusot sina JV at Bato dahil kabilang sila sa mga binasbasan at ngayon ay ikinakampanya ni Digong. Siguradong makikinabang nang husto sina JV at Bato sa makinarya at organisasyon ng administrasyon ni Digong at sa kalaunan ay mananalo.

Ilan din sa mga binasbasan ni Digong ay sina Koko Pimentel, Francis Tolentino, Bong Go, Dong Mangudadatu at Freddie Aguilar.  Pero tahasang masasabi natin, sa mga inendoso ni Digong, siguradong walang panalo sina Mangudadatu at Aguilar.

Binasbasan din ni Digong ang kandidatura nina Cynthia Villar, Pia Ceyatano, Sonny Angara at Imee Marcos. Malamang na makalusot sila hindi lamang dahil mayroon silang kanya-kanyang baluwarte na inaasahang susuporta kundi dahil na rin mismo sa kanilang naging performance bilang mga politiko.

Kaya nga, napakasuwerte talaga nitong sina JV at Bato, sa isang kumpas lang ng kamay ni Digong ay masisibak kaagad sina Jinggoy at Bong, habang sila ay malamang na makapasok sa Senado.

Para kina Jinggoy at Bong, better luck next time!

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *