Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yam, natakot magmahal

NANG mag-guest si Yam Concepcion sa Rated K ni Korina Sanchez kamakailan, sinabi niya na 21 years old siya noong unang makipagrelasyon.

At kaya siya nakipaghiwalay sa rati niyang boyfriend, niloko siya nito. Nalaman niya na bukod sa kanya ay may iba pang babae iyon.

“He cheated on me. Ang nangyari, feeling ko tuloy, ‘yung mentality ko, lahat ng lalaki, cheater. ‘Hay, naku! Magloloko rin ito, ganyan, ganyan. Hindi sila seryoso, ganyan,” sabi ni Yam.

Pero after three years, sinubukan niya ulit magmahal. At napatunayan niya, na hindi lahat ng lalaki ay manloloko. Masaya kasi siya ngayon sa piling ng non-showbiz boyfriend na si Miguel, na nakatira sa America.

“He’s such a nice person. We’re officially together for four years.”

Naniniwala si Yam na ang buhay ay umiikot sa love, tiwala, at pagpapatawad. Tulad nga ng takbo ng role niya bilang si Jade, sa seryeng Halik ng ABS-CBN 2. May mga bagay na nangyayari dahil may dahilan.

“You know what, it happens in life. Ang importante roon, eh, gawin nating learning experience ‘yun. Sana ‘yun ang magpatatag sa atin, as a person.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …